Marami sa atin ang talaga namang gustong gusto ng magkaroon ng anak, pero hirap mabuntis. Dahil na rin ito sa kakulangan ng kaalaman kung paano nga ba ang dapat gawin kung hirap mabuntis. Ito ang tanong ng maraming kababaihan o mag-asawa.

Freepik

Maraming mag asawa ang nangangarap magkaroon ng anak ngunit hind pa rin sila mabiyayaan. Para sa mga kumpirmadong wala namang komplikasyon sa matres, obaryo at semilya, narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin upang siguradong magiging matagumpay ang muli ninyong pagsisiping!

Kumonsulta muna sa OB Gyne tungkol sa kalusugan ng inyong sex organs

Freepik

Ayon sa livescience.com, dapat ay kumunsulta pa rin sa doktor upang maayos na mapag handaan ang ang pagtatalik.Malalaman nyo rin kung mayroon ka bang problema sa kapasidad mo na magkaroon ng anak.

Kung hirap mabuntis, i-record mo ang iyong Menstrual Cycle

Kung gusto mo nang magkaanak, mas maganda na i-monitor mo ang unang araw na ikaw ay dinatnan ng regla sa bawat buwan. Sa pamamagitan ng pagsubaybay dito (hal. Pagmamarka sa kalendaryo). Isang paraan ito para malaman ng isang babae kung kailan ang kanyang obulasyon o panahon na siya ay “fertile.”

Sa panahong “fertile” ang babae, nangingitlog ang babae o naglalabas ng egg cells ang kanyang mga obaryo. Ito ang panahong pinakamainam na oras para magtalik. 

Kung hirap mabuntis, bantayan o alamin kailan ang iyong OVULATION

Ang mga babaeng may regular na regla ay nag-oovulate dalawang linggo bago ang pagdating ng kanilang mga buwanang dalaw. Mas mahirap hulaan ang obulasyon sa mga kababaihan na may hindi regular na regla.  Kadalasang nangyayari ‘to sa 12 hanggang 16  araw bago magsimula ang kanyang susunod na buwanang dalaw.

Kung Hirap Mabuntis, kailangan mong magkaroon ng TAMANG BIGAT o HEALTHY BODY WEIGHT

Ang bigat ng isang babae ay maaari ring makaapekto sa kakayahan niyang magbuntis. Nakakaapekto ang sobra o kakulangan sa timbang para ikaw ay mabuntis. Kaya girl, healthy diet at lifestyle ka na.

Freepik

Kung Hirap mabuntis, HUWAG ka ng manigarilyo o uminom ng alak

Kailangan mong iwasan ang pag inom, pagpupuyat, at paniniigarilyo na hindi lang maaring maging dahilan ng problema sa pagbubuntis, kundi ng pati na pagkalaglag din ng bata.

Kung hirap mabuntis, kumain ka ng tama!

Freepik

Bagama’t maaaring walang isang tiyak na diyeta sa pagbubuntis, ang pagkain ng masustansyang pagkain ay makakatulong na ihanda ang katawan ng isang babae para sa pagbubuntis. Alam na natin ito, ‘di ba? Pero di nagagawa ng marami.

Kailan ka dapat humingi ng tulong kapag ikaw ay hirap mabuntis?

Parehong dapat isaalang-alang ng mag-asawa ang pagkakaroon ng pagsusuri kung bakit hindi sila nakabuo. Kung ang babae ay 35 o higit pa, at hindi mabuntis pagkatapos ng anim na buwan na regular na pakikipagtalik nang walang birth control, magpatingin na sa doktor.

Kumunsulta sa isang fertility specialist lalo na kung sa loob ng isang taon, hindi parin nabuntis.

Sa paggawa nito, malalaman nyo kung ano ang maaaring problema. Nagbibigay ito na mga nararapat na payo para maging malusog ang pagbubuntis.

Bukod sa mga nasabi, dapat ding tandaan ang mga sumusunod:

Magplano

Magplano sa pinakamainam na panahon para magtalik.

Kailangan din na malusog ang sperm ng lalaki. 

Kapag malusog ang sperm ng lalaki, makakatulong ito sa babaeng hirap mabuntis.

Ang pagtutulungan ng mag-asawa ang pinakamabisang paraan kung paano mabuntis ang babae. Makakatulong din ang tamang komunikasyon o pag-uusap sa gitna ng mag-asawa.

Ano ang masasabi mo sa kaalamang ito? Madali lang, ‘di ba? I-share niyo naman ang mga naiisip niyo sa comment section sa baba at ating pag-usapan yan, Ka-Pinoy Vibes!