Bahagi na ng ating nakagawian tuwing tag-init ay ang pawiin ang init sa pamamagitan ng halo-halo.

Saan nga ba nagmula ang halo-halo?

Isang daan taon na ang nakalipas nang unang naimbento ang halo-halo sa Pilipinas, ang sangkap lamang nito noon ay isa lamang. Ito ay munggo. Ang tawag nila noon ay ‘mongo-ya’ at hindi halo-halo. Sa halos isang daang taon kasaysay ng halo-halo, iba’t ibang sahog na ang nadagdag at iba ibang bersyon nito.

May pagkakapareho ang panghimagas na ito sa ibang bansa tulad ng kakigori ng Japan, patbingsu ng Korea at baobing ng Taiwan, na parehas na gawa sa ginadgad na yelo.

Halo-halo

Samantala, ang halo-halo naman ng Pilipinas ay nagkaroon na ng iba-tibang bersyon gaya ng:

Klasik Halo-halo

Ito ang tipikal na halo-halo na maliban sa ginadgad na yelo at gatas ay karaniwan ding nilalagyan ng leche flan, macapuno, saba, gulaman, red mung beans, ube halaya, langka, kaong at pinipig.

Halo-halo ng Pampanga

Ito ay kilalang-kila sa tatlong pangunahing sangkap lamang nito. Macapuno, minatamis na saging at leche flan lang ang sahog nito, gatas na nakahalo sa ginadgad na yelo ang siyang tunay na nagpapasarap rito.

Halo-halo na may Siling Labuyo

Kakaiba naman ang klase ng halo-halong ito. Ito ay hinaluan ng chili powder at nilagyan sa ibabaw ng ice cream, ube, leche flan at siling labuyo. Ito ay sumikat sa parteng Bikol.

Halo-halong may Kundol

Ibahin naman natin ang halo-halo ng Laguna dahil bukod sa apat na sangkap nito na dalawang klase ng beans, ube at macapuno ay nilalagyan rin ito ng minatamis na kundol at toppings na minatamis na tumbong ng niyog.

Pastillas Halo-halo

Isa pa ito sa pinagmamalaki ng Pampanga. Ito naman ay pinaghalong durog na beans, cream corn at pastillas na gawa sa gatas ng kalabaw.

Kakaiba rin ito dahil kung ang lahat ay ang pinagkakaparehas nila ay ang ginadgad na yelo  ito naman ay nilalagyan ng sorbetes na buko.

Halo-halo

At ang pinaka huli ay ang:

Durian Halo-halo

Maganda itong pamalit sa mga taong ayaw matikman ang fresh Durian dahil sa amoy nito. Ang nilalagay sa halo-halong ito ay durian jam, durian ice cream, pinipig at nata de coco.

Marami mang bersyon ng halo-halo sa Pilipinas, ngunit ang hindi nagbabago ay ang lamig at sarap nito na pangontra sa init ng panahon. Ito ay sumasalamin sa mayamang kultura at pagkamalikhain ng mga Pilipino.

But there is one way to beat that summer heat! Ang kumain ng paborito ng lahat na halo-halo at huwag isabay ang init ng ulo sa init ng panahon. Just a friendly reminder!