Mag-aapat na buwan na mula nang tayo ay ginising nang isang viral video na inupload ng isang concern citizen/witness sa Facebook, kung saan kuhang kuha ang brutal na krimen na ginawa nang isang pulis na nagngangalang Jonel Nuezca sa isang Barangay sa Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac

Ang mag inang Gregorio

Ang nasa video ay ang mag inang Sonya at Frank Anthony Gregorio 52 at 25 years old na walang awang binaril sa harap nang iba pa nilang pamilya.Nag simula umano ang alitan dahil pinuntahan at sinita ni Nuezca si Frank Anthony dahil sa pagpapaputok. Sumuko naman si Nuezca at kasunod nito ay ang agarang pagsibak sa kanya sa pwesto. 

Photo Courtesy of Rappler

Habang patuloy na nililitis ang kaso, ikinagulat nang lahat ang paghain ni Nuezca ng “not guilty plea”noong January 7, 2021 sa kanilang hearing sa kabila nang matibay na ebidensya na meron ang panig nang pamilyang Gregorio. Sa kabila nito naniniwala naman ang kampo ng Gregorio na malakas ang kanilang laban sa kaso. Patuloy parin ang pakikipag laban ng pamilya Gregorio, upang tuluyang mabigyan ng hustisya ang brutal na kamatayan ng mag inang Gregorio

Ang mabagal na pagusad ng kaso

Ngunit habang tumatagal, kasabay nang paglipas ng mga buwan at araw ay  siya ring pagbagal ng takbo nang kaso nang mag inang Gregorio. Tila ba nakakalimutan na rin ng nakararami ang krimen na ito dahil sa mga issue na dumadaan at naibabaling na doon ang atensyon na dapat ay nakatuon sa kasong ito upang agarang makamtan ang hustisya na nararapat sa nasawing mag ina

Photo Courtesy of The Strait Times

Tila ba patunay nga ito na ang hustisya ay para lamang sa mayayaman at para lang sa mga kayang makipaglaban. Hindi na ito bago para sa isang normal na pamilyang Pilipino kung saan napagkakaitan nang hustisya o di kaya ay may mabagal na systema nang paglilitis

Ang kasong ito  ay isa lamang sa daang libong kaso na may mabagal na paglilitis o di kaya ay tuluyan nang naibabasura at nababaon sa limot. Mas masaklap ay may mga mahihirap na Pilipino na tuluyan nang hindi nakapag kamit ng hustisya.

Marahil maaaring ibaon sa limot at alala ang nangyaring ito sa mag inang Gregorio ngunit hindi bulag ang sambayanang Pilipino sa katotohanan na kapag ikaw ay mahirap o walang kakayahan sa buhay, sobrang bagal nang pagkamit ng hustisya sa ating bansa. Patuloy na naghahangad ang lahat na magkaroon ng pagbabago at aksyon sa ganitong problema ng Pilipinas.