Naging kontrobersyal ang balita noong lunes, nang sabihin ng Vatican na hindi nila babas basan ang Gay union. Anila pa, “GOD cannot bless the Sin”.

Naglabas ang Vatican orthodoxy ng kanilang pagtungon patungkol sa katanungang kung may awtoridad ba ang mga katoliko na magbasbas sa mga gay union. Ang sagot ay naglalaman ng 2 pahinang paliwanag, na inilathala sa pitong lenguwahe ay nagsasabing “Negatibo.” Ang nasabing lathala ay aprubado ni Pope Francis.

Ang pahayag ay kumikilala sa pagtanggap at pagpapala sa mga “Lgbt” ngunit hindi sa gay union.
Ang kanilang gay union ay hindi umano parte ng plano ng Diyos at ang mga pagkilala sa ganitong gawa sa kanila ay maaring magresulta ng mga kalituhan ukol sa pag aasawa.

GOD CANNOT BLESS SIN
Photo Credit: APN

Ang tala ay ikinalugod ng mga konserbatibo ngunit ikinalungot ng LGBT catholic advocate. Nais ng debate ng isang German church, na nangunguna sa pagbubukas ng mga isyu patungkol sa mga turo ng simbahan sa homosexual.

Ngunit ayon sa excutive director ng New Way Ministry nasi Francis DeBernardo, hinulaan na hindi ito papansin ng Vatican kasama na ang ilang klerong katoliko.

“Catholic people recognize the holiness of the love between committed same-sex couples and recognize this love as divinely inspired and divinely supported and thus meets the standard to be blessed,” sabi sakaniyang pahayag.

Sinabi ng Vatican na ang mga gay ay dapat tratuhin nang may dignidad at respeto, ngunit ang usaping gay sex ay “intrinsically disordered.”

Sinasabing ang pag aasawa ay isang habang buhay na pag sasama sa pagitan ng babae at lalaki at ito ay plano ng Diyos upang ilaan na maglikha ng bagong buhay.

At dahil ang gay union ay hindi bahagi sa plano ng Diyo, kaya sinabing hindi maaring basbasan ito ng simbahan ayon pahayag sa dokumento.

“The presence in such relationships of positive elements, which are in themselves to be valued and appreciated, cannot justify these relationships and render them legitimate objects of an ecclesial blessing since the positive elements exist within the context of a union not ordered to the Creator’s plan,”

“God does not and cannot bless sin: He blesses sinful man, so that he may recognize that he is part of his plan of love and allow himself to be changed by him,” dagsag pa nito.