Hindi kaagad naging matagumpay ang kampanya upang magkaroon ng piyesta opisyal na Araw ng mga Ama o Father’s Day. Ayon sa isang florist, “ang mga ama ay hindi magkapareho ng sentimental na apela ng mga ina.” Alamin ang Father’s Day History dito!

“…fathers don’t have the same sentimental appeal that mothers have.”

1908

Wikimedia Commons

Noong Hulyo 5, 1908, isang simbahan sa West Virginia ang nag-sponsor ng kauna-unahang kaganapan ng bansa na  parangalan ang mga ama. Isang sermon ang binigay dito bilang pag-alala sa 362 kalalakihan na namatay sa pagsabog noong Disyembre 1907 sa minahan ng Fairmont Coal Company sa Monongah. Isang beses lamang ito ginanap at hindi taun-taon.

1909, taon na nagsimula ang Kampanya

abcnews

Taong 1909, sa Spokane, Washington, isang  babaeng nagngangalang Sonora Smart Dodd, ang nagsimula ng kampanya upang magtatag ng isang pagdiriwang na gaya ng Mother’s Day.

Isa siya sa anim na anak na pinalaki ng isang biyudo na si William Jackson Smart. 

History

Isang Civil War Veteran ang kanyang ama at isang single parent. Naisip ni Sonora ang pagkakaroon ng Father’s Day matapos makarinig ng sermon sa Central Methodist Episcopal Church,kung saan nabanggit si Anna Jarvis, ang nagsimula ng Mother’s Day.

Una niyang iminungkahi na ganapin ang Araw ng mga Ama tuwing ika-5 ng Hunyo, dahil ito rin ang kaarawan ng kanyang ama. Ngunit ang mungkahi ng mga pastor ng Spokane Ministerial Alliance ay ganapin ito sa ikatlong linggo ng Hunyo.

1910

spokesman

Ipinagdiwang ng Estado ng Washington ang pinakaunang pambansang pagdiriwang ng Father’s Day noong Hunyo 19, 1910. Ngunit hindi ito naging matagumpay sa simula.

Wikimedia Commons

Taong 1916, nagbigay ng talumpati si President Woodrow Wilson sa isang   Father’s Day celebration sa Spokane. Nais rin niyang maging opisyal ang araw na ito ngunit hindi inaprubahan ng Kongreso.

1920s hanggang 1930s

Inihinto ni Sonora ang kanyang kampanya noong 1920s nang mag-aral siya sa Art Institute of Chicago. Nahinto ang  selebrasyon na ito kahit sa Spokane. Nagbalik si Sonora sa Spokane noong 1930s at ipinagpatuloy ang inumpisahan niya.

Pinakalat niyang muli ang kaalaman ukol dito. Humingi siya ng suporta sa iba’t-ibang grupo. Nagpunta siya sa mga lokal na simbahan, mga tindero, at mga opisyal ng gobyerno upang manghikayat ng suporta. Hiningi niya maging suporta ng mga tindero at gumagawa ng mga kagamitan para sa kalalakihan, gaya ng mga kurbata, mga tobako, at iba pa na maaaring iregalo sa mga ama.

Noong 1924, iminungkahi ni Pangulong Calvin Coolidge ang mga gobyerno ng estado na obserbahan ang Araw na ito. Ngunit nahinto rin ito. 

Simula 1938, sinuportahan siya ng  Father’s Day Council, na nabuo ng New York Associated Men’s Wear Retailers

Isang grupo naman ang nagsulong noong 1930s na matigil ang Araw ng Mga Ina at Araw ng mga Ama. Nais nila na pagsamahin na lamang sa isang araw ang mga pagdiriwang na ito at gawin na Araw ng Mga Magulang na lamang. Dahil ayon sa isang aktibista na si Robert Spere, “ang parehong mga magulang ay dapat na mahalin at respetuhin nang magkasama.”

1945

Nang magsimula ang World War II, mas naitulak ang araw ng mga ama dahil sa paggalang sa mga tropang Amerikano na sumabak sa giyera.

1957 hanggang 1972

Dalawang beses na itong minungkahi sa mga naunang pangyayari ngunit hindi naipapasa sa Kongreso.

Taong 1957, ipinahayag ni Maine Senator Margaret Chase Smith na mahigit 40 taon nang binabalewala ng kongreso ang parangalan ang mga ama, habang isang magulang lamang ang kinikilala.

Noong 1966, si President Lyndon B. Johnson ang unang naghain ng presidential proclamation para parangalan ang mga ama tuwing ikatlong linggo ng Hunyo.

Wikimedia Commons

Anim na taon ang lumipas at naging opisyal na ang araw na ‘to noong 1972. Nilagdaan ni President Richard Nixon ang isang proklamasyon upang gawin ang Father’s Day na isang federal holiday.

Kaya hanggang sa kasalukuyan, ginaganap ang Father’s Day tuwing ikatlong linggo ng Hunyo taun-taon sa buong mundo.

awarenessdays

MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA SA BUONG MUNDO!