Humahataw na naman ang mga delivery rider ngayong limitado ang paglabas ng mga tao dahil sa pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine sa NCR at ilang karatig probinsya. Kaakibat nito ay ang sunod-sunod na balita tungkol sa fake booking sa mga delivery app gaya ng grab, lalamove, foodpanda at iba pa. Kamakailan nga ay may isang pamilya sa Baranggay Pinyahan, Quezon City ang nabiktima gaya ng mga rider ng fake booking. Umabot pa nga ng 15,000 ang halaga ng food delivery na dumating.

Lumalalang Fake Booking

Hindi lamang isang beses nangyari  ito, dahil noong lingo ay may dumarating raw sa pamilyang iyo na mga delivery na nagkakahalaga ng umabot sa 30,000 ngunit ang sabi ng matandang nakapangalan sa fake booking ay ni hind nga raw siya marunong magoperate ng online shopping application.

Dahil sa awa sa magpapamilya at lalo na sa mga rider, nagtulong-tulong na lamang ang ilan nilang kapitbahay upang bilhin ang mga pagkain na iyon.

Fake booking
Photo Courtesy of Grabrider Gaming

Maging ang isang kilalang vlogger na si Ms. Rosmar Tan ay hindi rin nakaligtas sa fake booking. Umabot ng halos 15,000 ang sunod-sunod na dumating na delivery rider na dala ang mga pagkain at produktong hindi naman niya inorder tulad ng sex toys. Kahit na hindi niya ito inorder ay binayaran na lang niya ito dahil sa awa sa mga rider na napagtripan.

Nag-message naman ang isang rider sa numero nang nag-book at nang sumagot ito ay gusto niyang iapaalam niya sa babaeng Vlogger na bigyan siya ng 5,000 upang itigil niya ang ginagawang fake booking.

Fake booking
Photo Courtesy of Ms. Rosmar Tan

Ilan lamang ito sa laganap na fake booking na nararanasan ng ilang rider. Ang iba nga ay natutulala, nanginginig at napapaiyak na lamang dahil sa dismaya. Sapagkat hindi lamang pagod at init sa lansangan ang dinadanas nila kundi ay inaabonohan pa nila ang mga order na ito. Na siyang kikitain sana para maipangtustos sa kanilang pamilya lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

“Nagtatrabaho ng maayos eh.”

ani ng isang rider

Payo naman ni Police Grigadier General Leo Francisco, Director ng Manila Police ay makipag-ugnayan ang mga biktima sa Anti-Cybercrime Division para managot ang mga suspek sa likod ng mga panlolokong ito. Aniya, maaaring makulong ang mga nanlolokong ito ng anim na buwan.

Nawa maisip ng mga gumagawa nito na hindi nakakatuwa at malaking abala at problema pa ito sa mga taong involve lalo na sa mga rider. Sana Itigil na ang fake bookings.

ani ng isang rider