Ang facemask ay isa sa pinaka importanteng proteksyon natin para hindi tayo mahawaan at hindi rin tayo makahawa ngayong panahon ng pandemya. Ito ay isa rin sa mga pinaka naging in demand na produkto noong nagsimula ang pandemya hanggang sa ngayon. Ang pagsusuot ng Face Mask ay maituturing na natin na isa sa mga New Normal at pag ikaw ay nahuli na lumalabas ng iyong bahay na hindi nagsusuot nito ay maaari kang hulihin at ikulong. Napakalaking tulong nito bilang isang proteksyon ngayong tumataas na naman ang infected case ng Covid-19.

PAGHIHIGPIT SA PAGSUSUOT NG FACE MASK

January 2020 nang unang naibalita na mayroon nang nag positive sa Covid Virus dito sa Pilipinas, ito ay isang Chinese na babae 39 years old at siya ay na admit sa San Lazaro Hospital. Mula noon ay mahigpit at naging mas strikto na ang Gobyerno sa mga Hospital at pagpapatupad ng pagsusuot nang Face mask lalo na sa mga pampublikong lugar.

Kasunod nito ay ang mabilisang pagkaubos ng supply at pagtaas ng presyo ng Facemask. Ang sunod sunod na reklamo ng mga na scam sa pakikipag transaksyon nila sa maramihang pagbili ng Facemask, dahil din sa paglipana ng mga Scammer na napaka hirap din hulihin.

Face Mask

MASAMANG RESULTA NG FACEMASK SA ATING KAPALIGIRAN

Ang ano mang bagay ay mayroong masamang epekto kapag ito ay nasobrahan, ang araw-araw nating pagsusuot ng Face Mask ay maaaring napakalaking tulong sa ating kalusugan ngunit ito naman ay may kabaligtarang epekto sa ating kapaligiran

akalaking tulong sa ating kalusugan ngunit ito naman ay may kabaligtarang epekto sa ating kapaligiran. Hindi maiiwasan na mayroon talagang mga iresponsableng indibidwal na hindi tinatapon ng maayos ang kanilang gamit na’ng Facemask.  Kapag ito ay hindi maayos na natatapon sa tamang tapunan ay maaaring maging sanhi pa ito nang iyong pagka hawa at ito ngayon ang matinding problema nang mga kolektor ng basura

Face Mask

 Sila ay nakalagay sa alanganin sa araw araw nilang trabaho at pamumulot nang nagkalat na Face Mask sa paligid. Ang pagiging pabaya natin sa pagtapon ng Face Mask ay isa na sa pinakamabigat na suliranin ng ating Kapaligiran, maaaring hindi natin kontrolado ang kapabayaan ng nakararami ngunit kung ito ay sisimulan natin sa ating sarili at ating mga tahanan malaki ang maitutulong nito sa ating kapwa lalong lalo na sa ating kapaligiran.

Face Mask