Dahil sa patuloy na paglaganap ng nakakahawang sakit. Nagpatuloy din ang pagpapatupad ng lockdown sa iba’t ibang lugar na nagresulta sa pagsasara ng ilang mga kumpanya at negosyo na nakaapekto sa mga manggagawa. Pagkawala at pagkahinto sa trabaho ang kinakaharap ng nakararami. Ngunit likas naman sa mga pinoy ang pagiging madiskarte at masikap. Kaya naman ang ilan ay gumawa ng sarili nilang extra income ngayon new normal.

Freepik

Isa ang mga Pinoy sa buong mundo na sobrang naapektuhan ng pandemya hindi lamang sa pangkalusugan kundi lalo na sa pangkabuhayan. Lingid rin naman sa ating kaalaman na hindi lahat sa atin ay mayroong naitatabi o savings dahil sa daming responsibilidad at sumasapat lang ang kita sa araw araw.

Isa ka rin ba sa mga nawalan o nahinto ang pagtatrabaho? Maaaring makatulong sayo ang mga ideya na ito upang magkaroon ka ng extra income ngayong New Normal.

New Interior
  • Food Business – Kung Ikaw ay mahilig magluto isa ito sa pwede mong pasukin na negosyo para magkaroon ng extra income. Isa sa mga susi sa pagtatagumpay ng food business ay ang originality, quality at creativity. Maaari mo itong simulan sa maliit na halaga at magbenta sa iyong mga kapitbahay o kabarangay. Isa rin sa paraan ng pagbebenta ay ang pakikipag partner sa grab or foodpanda o mga delivery services na nagdedeliver ng pagkain.
Freepik
  • Paghahalaman – nang magsimula ang pandemic umusbong din ang pagkahilig ng mga pinoy sa paghahalaman. Kaya naman umusbong din ang industriya sa pagtitinda ng mga iba’t iabang uri ng mga tanim. Kung ikaw naman ay may kaalaman sa paghahalaman maaari mo itong simulan. Hindi rin naman kalakihan ang kapital na kailangan upang makapag simula sa negosyong ito.
Freepik
  • Blogging – kung ikaw naman ay mayroong passion sa pagsusulat o mahilig ka magshare ng mga interesting ideas pwede mong pasukan ang blogging. Ang Blogging ay isang online journal or diary na kung saan pwede kang magbahagi ng impormasyon o opinyon base sa iyong pananaw tungkol sa isang bagay o pangyayari halimbawa, kung mahilig ka magtravel pwede mong ibahagi ang iyong karanasan at ang opinyon tungkol sa lugar na iyong pinuntahan. Kung may passion ka naman sa pagluluto pwede mong ibahagi ang iyong recipe at teknik sa pagluluto.

Ang maganda sa blogging ay magagawa mo ito kahit nasa bahay ka lang at pwede mo itong gawin kahit kailan mo gusto. Paano nga ba kumita ng pera dito? Isa sa common na paraan ay ang advertisements, kagaya ng youtube pwede kang kumita gamit ang Google Adsense at iba pang mga ad networks. Pwede ka rin magbenta ng ad space sa iyong website. Ito naman ang ilan sa mga blogging website na pwede mong gamitin kung plano mong simulan ang iyong blogging career wordpress, wix at weebly. As long mayroon kang creativity at dedikasyon sa pagsusulat malaki ang tsansa na maging successful ka at at kumita ng malaking halaga sa blogging.

Freepik
  • Youtube – katulad ng blogging ang youtube ay isang platform kung saan pwede kang magbahagi ng impormasyon in video format. Ang kagandahan sa youtube ay wala kang babayaran kung plano mo magsimula. Mataas ang success rate dahil sa dami ng users na pwedeng manood ng iyong videos. At once na meet mo na ang requirements ng Youtube for monetization, pwede ka ng kumita mula sa mga ads ng video. Ang puhunan mo lang dito ay creativity at consistency. Marami ng mga naging successful at nakilala dahil sa youtube. Gaya na lang nila PewDiePie, Bretman Rock, mga International Beauty Vloggers at ang local vlogger na si Cong TV. Kaya kung mayroon kang talent or skills sa isang bagay subukan mong ibahagi ang iyong mga kaalaman sa youtube at maging consistent hanggang sa dumating ang araw na marami na ang makakadiskubre ng iyong channel at manonood ng iyong mga videos.
Chinabrands
  • Dropshipping – ito ay isang uri ng retail business kung saan ang seller ay pwedeng tumanggap ng orders sa kanyang mga customers kahit wala siyang hinahawakang produkto. Ang maganda sa dropshipping ay hindi mo na kailangan mamuhunan or mag imbentaryo dahil ang supplier mo na ang gagawa ng lahat. Pwede kang magkapera ng walang hawak na produkto at magagawa mo lahat ito online. Sa dropshipping kailangan mo lang gumawa ng sarili mong online store, ito ay maaaring Lazada, Shopee, Shopify, Facebook o Instagram. Kailangan mo lang magpost ng larawan at deskripsyon ng mga produkto sa in yong online store at presyuhan mo lamang ito ng mas mataas na halaga na ibinigay ng iyong supplier. Hintayin mo nalang na magkaroon ng potential customer na gusto bumili ng produkto at kung meron ng bumili, ikaw naman ang magprocess ng order sa iyong supplier at sila na ang bahala sa lahat mula sa pagbabalot at shipping papunta sa customer. Ganun lang kasimple ang proseso ng dropshipping business
Freepik
  • Online Selling – dahil sa New Normal dumami ang bilang ng taong gumagamit ng online platforms at isa sa madalas at patok na gawain ng mga users ay ang online shopping dahil hindi na kinakailangan pang lumabas ng bahay upang mabili ang iyong gusto o ang pangangailang dahil ikaw ay gagamit lamang ng isang mobile application or website para makapag order. Para makapag simula, kailangan mo lamang tandaan ang apat na bagay: 

1. Dapat alam mo ang produkto na iyong ibinebenta 

2. Maglaan ka ng panahon para sa iyong marketing strategy, pricing strategy at kung sino ang iyong magiging customers. 

3. Dapat mayroon kang maaasahan na supplier 

4. Dapat pag planohan mong mabuti ang online selling platform ang iyong gagamitin sa pagbebenta ng iyong produkto.

Freepik
  • Social Media Manager – kung ikaw naman ay mayroong kaalaman sa SEO, Copywriting at magaling mag research ng napapanahong topic nababagay sayo na pasuking ang social media manager. Maraming influencers, content creators, entrepreneur na walang skills upang palakihin ang kanilang brand kaya willing sila na mag hire ng mga social media managers. Ang maganda dito ay hindi masyadong time consuming ang pagtatrabaho, kaya mo itong gawin kahit nasa bahay at pwede mo itong gawing secondary source of income.
Freepik

Freelancing – kung ayaw mo ang ideya na magtrabaho sa isang kumpanya at ayaw mo rin na meron kang boss nababagay sayo ang freelancing. Ang kailangan mo lang sa freelancing ay laptop o computer at malakas na internet connection. Ang maganda sa freelancing ay kaunti lang ang oras na ilalaan mo sa pagtatrabaho at mayroon kang control sa iyong income dahil nakadepende sayo kung magkano ang gusto mong ibigay na halaga ng iyong serbisyo at mas lalo mo pang mapapalawak ang iyong kaalaman. Mga ilan sa halimbawa ng freelancing na trabaho ay Graphic Designer, Virtual Assistant, Copywriter, Customer Service at Photography. Mga halimbawa naman ng freelancing platform ay ang upwork, fiverr, contra, at onlinejobs.ph. ang tagumpay sa freelancing ay nakabase sa iyong skills, sa iyong reputasyon at quality ng serbisyo na ibinibigay mo sa iyong mga kliyente.

Kung tingin mo na ang iyong kinikita ay di sapat baka isa na sa mga nabanggit ang pwedeng mong idagdag sa iyong pinagkakaabalahan.

Kung ikaw naman ay nawala ng trabaho maaaring isa sa mga ito ang pwede mong simulan.