Pinatunayan ng dalawa na wala sa tagal ng relasyon para masabing siya na ang ‘The One’

Magkasintahan nasi Derek at Ellen

Sa kabila ng mga pambabatikos ng mga basher sa relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna mula ng ilantad nila ito dalawang buwan na ang nakararaan sa publiko ay gumawa ulit ng ingay at pasabog sina Ellen at Derek matapos na ibalitang nagpropose na ito.

Derek at Ellen
Derek at Ellen

Pinatunayan ni Derek sa mga humuhusga sa kanya ang proposal, mula nang maghiwalay sila ni Andrea Torres ay lagi na lang ito binabato laban sa kanya na wala raw itong balak magpakasal sa mga nakakarelasyon nito.

Derek at Ellen

Kakakilala lang ng dalawa noong Enero sa isang biglaang dinner kasama ang kanilang mga kaibigan at matapos noon ay hindi naghiwalay ang dalawa.

Sa nakalipas ng mga buwan o linggo ay makikita sa mga post ni Elen Adarna sa kanyang Instagram account na tila masayang masaya ang dalawa sa piling ng isa’t isa kasama ang kani-kanilang anak. Sa bahay din ni Derek inabutan ng paghihigpit ng gobyerno sina Ellen kung kaya’t magkasama ang dalawa sa kasagsagan ng Enhance Community Quarantine.

Noong Pebrero, eto ang ilan sa mga panayam ni Derek sa isang interview sa Mega Magazine,

Si Derek Ramsay ang isa sa nagpatunay na may posibilidad na hindi ka magpakasal sa babaeng nakasama mo ng maraming taon at maaring magpakasal sa isang babae na nakasama mo lang ng iilang buwan pa lamang.

kapag puso na ang nagsalita ay wala na tayong ibang magagawa, kailangan na lang nating makinig.


Tunay ngang hindi basehan o minsan hindi kinokonsedera ng mga lalaki ang tagal ng pagsasama upang lumagay sa buhay may pamilya. Kung hindi, dapat ay ang pagkakaroon ng

Peace of mind.

Darating talaga tayo sa punto na may masasaktan tayong iba at masasaktan din tayo pagdating sa pakikipagrelasyon pero kapag nahanap mo na ang The One mo. Masasabi mo na lang na, “All those pain, are all worth it”.

Kayo mga kaPinoy Vibes ano ang masasabi niyo dito?