Masarap uminom ng softdrinks lalo na kapag napakainit ng panahon at lalo na kapag malamig ang softdrinks. Kahit sa agahan, tanghalian o hapunan ay madalas itong inumin. Minsan nga ay parang kulang ang araw natin kung hindi tayo nakaka-inom ng softdrinks sa isang araw. Ngunit ayon sa pag-aaral, ay may delikadong epekto ng softdrinks ang maaring mangyari sa ating katawan.

Isa ka ba sa mga mahilig uminom ng softdrinks? Kung oo, naku, dapat ay malaman mo ang mga delikadong epekto ng softdrinks na maaring idulot nito kapag nasobrahan ng konsumo!

At gaya nga ng sabi ng mga doktor, ang lahat ay may limitasyon.Kahit ang mga bagay na natural na may magandang dulot at nutrisyon ay hindi pa rin dapat nasosobrahan!Paano pa kaya ang soft drinks, na isa sa mga junk food? Ayon sa pinoyhealthyinfo.com, narito ang maaring maging bunga ng hindi balanseng pag konsumo ng mga soda.

Mga sakit na epekto ng softdrinks

DIABETES

Ayon sa pag-aaral sobrang dami ng asukal ng softdrinks, kaya pwede tayong magkaroon ng diabetes dahil dito. Ang diabetes ay sakit na walang lunas at ito rin ay panghabang buhay na sakit. Kung kaya ang mga diabetes patient ay nagbabago ng kanilang pamumuhay at umiiwas sa mga matatamis na pagkain para hindi lumala ang kanilang sakit.

epekto ng Softdrinks
gout

NAKAKASIRA NG BUTO

Dahil sa softdrinks ay maaring masira ang ating buto dahil sa nagtataglay ito ng sobrang phosphoric acid na dahilan upang mamatay ang calcium sa ating katawan. Hanggang sa masira ang ating buto at maari pa itong lumala at mapunta sa sakit na osteoporosis.

OBESETY/PAGTABA

Kung ikaw talaga ay mahilig sa uminom ng softdrinks ay malaki ang iyong tiyansang lalo kang tumaba. Bukod kasi sa dami ng asukal nito, ay naglalaman din ito ng calorie na sanhi ng pagtaba. Kung ayaw mong humantong sa pagka obese ay dapat itigil mo na ang pag-inom nito o limitahan mo ang iyong sarili.

CANCER

Sabi ng mga eksperto ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay mataas ang tyansang magkaroon ng cancer. Dahil sa pangunahing sangkap nito na lab-synthesized sodium benzoate na madalas na hinahalo din sa citric acid o ascorbic acid (Vitamin C), Bubuo kasi ito ng benzene, isang cancer-causing chemical na nali-link sa leukemia at iba pang cancer sa dugo.

PAGKASIRA NG NGIPIN

Alam naman natin ang dulot ng pagsakit ng ating ngipin. Alam niyo bang kapag mahilig ka uminom ng softdrinks ay pwedeng sumakit ang inyong ngipin? Dahil ang softdinks ay naglalaman ng phosphoric at carbonic acid na maaring maging dulot ng pagkasira ng enamel sa ating ngipin.

GOUT ARTHRITIS

Ang gout arthritis ay isang uri ng sakit kung saan namamaga ang kasukasuan. Madalas nakaka-apekto ito sa hinlalaki sa paa at sa iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Madalas umataki ang sakit na ito kapag mataas ang ating uric acid sa ating dugo at nagiging crystallized. Dahil sa pag-inom ng softdrinks na nagtataglay ng fructose corn syrup na maaring maging sanhi ng pagtaas ng ating serum acid level kaya maaring tumaas ang pagkakaroon ng gout arthritis.

epekto ng Softdrinks

HEART DISEASES

Alam naman natin na ang pagkain ng matatamis ay nakaka-apekto din sa ating puso. Ayon sa mga eksperto, ang madalas na pag-inom ng softdrinks araw-araw ay may 20% na tsyansang atakihin sa puso kaysa sa mga taong hindi madalas umiinom nito.

Kaya huwag sanayin ang ating katawan sa softdrink, wag nating gawing pamalit sa tubig ang softdrinks dahil mas healthy pa din ang tubig kaysa dito. Ano pong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share niyo naman ang mga naiisip niya sa comment section sa baba at ng ating mapag-usapan.

Sabi nga nila masarap ang bawal, pero laging tandaan : lahat ng sobra ay masama sa kalusugan!