Isa ka ba sa mga mahilig uminom ng soft drinks? Kung oo, naku, dapat ay malaman mo ang mga dangerous effects of softdrinks na maaring idulot nito kapag nasobrahan ng konsumo!

Kahit ang mga bagay na natural na may magandang dulot at nutrisyon ay hindi pa rin dapat masobrahan! Paano pa kaya ang soft drinks, na isa sa mga junk food?

Ayon sa pinoyhealthyinfo.com, narito ang maaaring maging bunga ng hindi balanseng pagkonsumo ng mga soda.

DIABETES

WIKIPEDIA

Ayon sa pag-aaral sobrang dami ng asukal ng softdrinks, kaya pwede tayong magkaroon ng diabetes dahil dito. Ang diabetes ay sakit na walang lunas at ito rin ay panghabang buhay na sakit. Kung kaya ang mga diabetes patient ay nagbabago ng kanilang pamumuhay at umiiwas sa mga matatamis na pagkain para hindi lumala ang kanilang sakit.

NAKAKASIRA NG BUTO

WIKIPEDIA

Dahil sa softdrinks ay maaaring masira ang ating buto dahil sa nagtataglay ito ng sobrang phosphoric acid na dahilan upang mamatay ang calcium sa ating katawan. Hanggang sa masira ang ating buto at maaari pa itong lumala at mapunta sa sakit na osteoporosis.

OBESITY o PAGTABA

WIKIPEDIA

Kung ikaw talaga ay mahilig sa uminom ng softdrinks ay malaki ang iyong tiyansang lalo kang tumaba. Bukod kasi sa dami ng asukal nito, naglalaman din ito ng calorie na sanhi ng pagtaba. Kung ayaw mong humantong sa pagka obese ay dapat itigil mo na ang pag-inom nito o limitahan mo ang iyong sarili.

CANCER

WIKIPEDIA

Sabi ng mga eksperto ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay mataas ang tyansang magkaroon ng cancer. Dahil sa pangunahing sangkap nito na lab-synthesized sodium benzoate na madalas na hinahalo din sa citric acid o ascorbic acid (Vitamin C), Bubuo kasi ito ng benzene, isang cancer-causing chemical na nali-link sa leukemia at iba pang cancer sa dugo.

PAGKASIRA NG NGIPIN

WIKIPEDIA

Alam naman natin ang dulot ng pagsakit ng ating ngipin. Alam niyo bang kapag mahilig ka uminom ng softdrinks ay pwedeng sumakit ang iyong ngipin? Dahil ang softdrinks ay naglalaman ng phosphoric at carbonic acid na maaaring maging dulot ng pagkasira ng enamel sa ating ngipin.

GOUT ARTHRITIS

WIKIPEDIA

Ang gout arthritis ay isang uri ng sakit kung saan namamaga ang kasukasuan. Madalas nakaka-apekto ito sa hinlalaki sa paa at sa iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Madalas umatake ang sakit na ito kapag mataas ang ating uric acid sa ating dugo at nagiging crystallized. Dahil sa pag-inom ng softdrinks na nagtataglay ng fructose corn syrup,maaaring maging sanhi ito ng pagtaas ng ating serum acid level! Kaya tataas talaga ang tyansa mo na magkaroon ng gout arthritis.

HEART DISEASES

WIKIPEDIA

Alam naman natin na ang pagkain ng matatamis ay nakakaapekto din sa ating puso. Ayon sa mga eksperto, ang madalas na pag-inom ng softdrinks araw-araw ay magbibigay ng 20% na tsansang atakihin ka sa puso, kaysa sa mga taong hindi madalas umiinom nito.

Kaya huwag sanayin ang ating katawan sa softdrinks, wag nating gawing pamalit sa tubig ang softdrinks dahil mas healthy pa din ang tubig kaysa dito. Sana ay maalala mo ang dangerous effects of softdrinks na nabanggit bago mo inumin ang baso na nasa ‘yong harapan.

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? I-share niyo naman ang mga naiisip niyo sa comment section sa baba at ng ating mapag-usapan.