Mula noong nagsimulang tumaas na naman ang bilang nang infected cases ng COVID-19, isinailalim na ulit ang Metro Manila sa ECQ kasabay nang pagpapatupad nang Curfew hours. Ito ay mahigpit na ipinagpapatupad lalo na sa Cavite kung saan nahuli ang curfew violator na si Daren Peñarendondo, 28 years old matapos lumabag sa Curfew hours.

Ang nangyari sa isang curfew violator

Lumabas umano ang binata upang bumili ng mineral water ngunit hinuli ito ng barangay. Dinala siya kasama ang iba pang nahuli sa General Trias Cavite Police Station at doon ay nag conduct umano ng lecture ang mga naka duty na Police sa araw na iyon. Ngunit pagkatapos noon ay dinala sila sa plaza at doon ay pinag pumping nang isang daang (100) beses ngunit dahil umano sa hindi pagkakasabay sabay ay umabot ito hanggang tatlong daang (300) beses.

curfew violator

Pagkatapos daw niyang mag pumping ay inakay nalang daw ang binata dahil natumba ito at ganon nalang ang pagka pagod at panghihina nito. Paika-ika umano itong umuwi sa kanilang bahay at nang makauwi na ito ay doon nga at naramdaman na niya ang malubhang pananakit ng kanyang katawan.

curfew violator
curfew violator

Kinabukasan nakuhanan siya ng video ng kanyang live-in partner na halatang nakakaramdam ito nang matinding pananakit ng katawan. Sa Video nakikita na halos gumapang na lang ang binata papunta sa banyo dahil sa hindi na nga ito nakakapaglakad nang maayos.

Ngunit magdaan ang isa pang araw ay isinugod na ang curfew violator sa pagamutan dahil ito ay nag kombulsyon at hanggang nawalan na nga raw ito nang pulso. Na-revive pa umano ang binata nang kanilang mga kapitbahay at naihatid pa sa ospital at doon na nga ito tuluyang nawalan na nang buhay.

Lumabas sa death certificate na ang ikinamatay umano ng binata ay “CEREBROVASCULAR INFARCT MIDBRAIN” o Stroke at “HYPERTENSIVE VASCULAR DISEASE” o pagtaas ng blood pressure. Desidido naman umano ang pamilya nang binata na magsampa nang reklamo laban sa mga police na nagbigay nang ganitong parusa sa binata.