Usapan na ngayon sa digital age na ito ang Cryptocurrency. Alam mo ba kung ano ito at bakit ito ginawa? Alamin dito ngayon ang pinagmulan nito.

Nagsimula ang virtual coin sa isang Amerikanong cryptographer at computer scientist na si David Chaum noong 1983. Nakabuo siya ng isang cryptographic system na tinatawag na Ecash o electronic cash. Makalipas ang labindalawang taon, nakabuo muli siya ng isa pang Sistema, ang Digital Cash.

LinkedIn

Noong 1998 unang ginamit ang terminong “cryptocurrency”.

information-age

Naaalala niyo ba ang isa sa pinaka malaking sakuna ng pang-ekonomiya noong 2008?

Tila hindi na natutulog ang problema at nawalan na ng halaga ang mga barya. Kung kaya’t noong 2009, si Satoshi Nakamoto, na hanggang ngayon ay lihim pa rin ang pagkatao, ang lumikha ng unang cryptocurrency, ang Bitcoin.

Ano ang intensyon sa likod ng paglikha sa Bitcoin? 

entrepreneur

Isang bagong paraan ng pagbabayad ang Bitcoin. Maaaring magamit ito sa internasyonal, desentralisado at walang pagkakaroon ng anumang institusyong pampinansyal sa likod nito.

Ang nagtulak sa kanya upang lumikha ng kanyang cryptocurrency ay ang malaking krisis sa ekonomiya na nakakaapekto sa milyun-milyong mamamayan. Gayundin, ang pangangailangan na iparamdam sa mga tao na may isa pang uri ng pera, ang Bitcoin. Ang paggamit at pamumuhunan sa mga cryptocurrency ay tumataas. 

Sa unang paglabas nito, hindi maganda ang tingin ng lipunan dito. Marami ang hindi nagtiwala sa bago nitong uri ng pagbabayad, subalit, sa paglipas ng panahon ang konsepto na iyon ay nagbago. 

Maraming mga kumpanya ang gumagamit na nito ngayon Pinapayagan na nila ang pagbabayad sa kanilang mga produkto o serbisyo sa mga virtual money.

Ano ang hinaharap ng mga virtual money?

Parami nang parami ang mga Cyptocurrency na nililikha bawat buwan. Nagsimula ang lahat sa Bitcoin, ngunit hindi lamang ito ang cryptocurrency sa merkado. Maraming tao ang nakabuo din ng mas ibang cryptocurrency tulad ng DAVIES. 

Gumagamit ka ba ng mga cryptocurrency? Namuhunan ka ba ng pera sa kanila? Magsimula ngayon, huwag nang mag-aksaya ng oras. 

Ito ay isang madali, simple at maginhawang paraan upang magamit ang pera at kumita ito. Pag-aralan natin ng higit pa kung ano ang Cryptocurrency.

Abangan sa mga susunod na videos namin!