Napakasarap ng out-of-town! Sa beach man yan, hiking, swimming, o kahit joyride lang. Kahit na napakahaba ng byahe, tiyak na enjoy parin. Alam mo ba na may mga CRAZY ROADS IN THE WORLD na makapagbibigay sa’yo ng adrenaline rush habang tinatahak ang mga ‘to? Tulad na lamang ng 

Atlanterhavsveien o ang Atlantic Roadway, Norway.

CRAZY ROADS IN THE WORLD: TARA! ROADRIP NA!
Wikipedia
Wikipedia
Wikipedia

Kapag nagsearch ka ng salitang ‘scenic,’ lumalabas ang larawan ng Atlantic Roadway. Kilala rin ‘to bilang kalsada sa gitna ng Atlantic Ocean, na may 5.2 milyang haba, at nagdudugtong sa Avaroi Island. Tila pinagdugtong-dugtong na isang mahabang kadena ang daan na ‘to. Habang binabaybay mo ang daan nito, mamamangha ka sa ganda ng tanawin ng Norwegian sea.  Isang bangungot naman kung aabutan ka ng bagyo sa isla.

Sumunod, ang STELVIO PASS

Wikipedia

Kilala ang bansang Italya sa mahuhusay na likhang sining ngunit wala sa mga ito ang makakapagbigay ng makapigil hiningang tanawin tulad ng mga makikita mo sa Stelvio Pass. 29 milya ang haba ng Stelvio Pass. Dadaanan mo rito ang 48 na kurbadang mga kalsada.

Wikipedia
Britannica
traveltriangle

Matarik, paliko-liko, at mayroong 9000 feet na taas mula sa ibabaw ng dagat ang tatahakin mong daan dito. Isa ito sa pinakamataas na daan sa buong mundo na may hindi kapani-kapaniwalang tanawin 

Ang Kolli Hills Road sa Tamil Nadu, India

dangerousroads

Siguradong mas ikakamangha mo ang Kolli Hills. Delikado ang daan na ito. Mayroon itong  70 kurbada na katulad sa hairpin. Pinalilibutan ng tropical forest ang daan. Maeenjoy mo ang daan at tanawin hanggang sa pang-25 na kurbada. Matapos nito, magiging mahirap at masikip ang inyong dadaanan.

tripoto
team-bhp

Walang sapat na puwang para makadaan ang dalawang sasakyan kaya’t pinangalanan ito na “Mountain of Death”.

TRANS-SAHARA HIGHWAY

Wikipedia

Ito ay halos 2800 milyang kalsada na umiikot sa hilagang Africa, sa Sahara Desert, at kumokonekta sa tatlong bansa sa hilagang Africa: ang Nigeria, Niger, at Algiers. 

Wikipedia

Kung minsan, hinahangin ang mga buhangin ng disyerto sa daan kaya pwedeng matabunan ng buhangin ang iyong dadaanan. kaya ipanalangin ninyo na wag kayong mawawala sa gitna ng daan o wag maubusan ng gasolina.

LAKE PONTCHARTRAIN CAUSEWAY

Wikipedia

Tila walang katapusan ang daan na ‘to kung iyong titingnan.Ito ang ikalawa sa pinakamahabang tulay sa buong mundo. Ito rin ang nakatala sa World Guinness Records bilang “Longest bridge over water.”

Wikipedia

May haba itong 24 milya at taas na 15 ft mula sa katubigan. 

Wikipedia

Kung nasa kalagitnaan ka ng tulay, hindi mo makikita ang magkabilang dulo nito. Kaya’t para itong ilusyon na isang daan na walang katapusan.

Talaga namang nakakamangha at thrilling makita angg mga CRAZY ROADS IN THE WORLD na ito!