January 30, 2020 nang maitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 dito sa Pilipinas. March 7, 2020, nakumpirma na mayroon ng local transmission sa bansa. March 9, 2020 naman nang itaas ng DOH sa Code Red Sublevel 1 ang COVID-19 Alert System. At March 16, 2020, nang ilagay ng Pangulong Duterte ang buong luzon sa lockdown.Hanggang ngayon (May 2021), nararanasan pa rin natin ang mga epekto ng pandemya sa kanya-kanya nating buhay. Ano nga ba ang naidulot ng COVID-19 Pandemic sa atin? May maganda nga bang naituro ang ganitong sitwasyon sa atin? Narito ang 20 bagay na itinuro sa atin ng Covid-19 Pandemic sa Pilipinas.

Reuters
  1.  Nalaman natin kung tama o mali ang kandidatong ibinoto natin.
REUTERS/Eloisa Lopez

1 Nasukat ang halaga nating mga Pilipino sa bigas at delata.

aljazeera

3) Nakilala natin ang mga opisyal ng gobyerno na kumikilos at tumutupad sa sinumpaang tungkulin.

4) Walang pari, faith healer, o pastor ang kayang makapagligtas ng covid patients

5) Mas mahalaga ang ating mga healthcare workers kaysa sa mga sports legend

6) Walang halaga ang krudo kung walang kumukunsumo.

7) Alam na natin kung gaano kahirap ang naka-quarantine, katulad sa mga hayop sa zoo

8) mabilis na naghihilom ang kalikasan kahit walang pangingialam ang mga tao.

9) Kaya ng karamihan ang mag-work from home.

10)  Kaya natin mabuhay ng walang junk foods.

11) Madali lang mamuhay na laging malinis sa pangangatawan

12) Kaya din magluto ng mga lalaki.

13) Puno ng walang katuturang bagay ang social media

14) Nakakapagbigay-aliw lamang ang mga artista, hindi sila bayani.

15) magkaugnay ang kalusugan ng mga tao at ng kalikasan

16) Prevention is better than cure. Matuto tayong makinig sa Science.

17) May papel ang lahat sa pagharap sa climate change 

18) Nalaman nating kaya natin mabuhay sa kaunting mayroon tayo.

REUTERS/Eloisa Lopez

19) Kailangan na nating kumilos. Minaliit natin ang bilis ng epekto ng climate change sa mundo.

20) Napakahalaga ng buhay, pahalagahan.

Ang COVID-19 PANDEMIC SA PILIPINAS na ito ay maging panggising sating lahat. Gawing simple ang pamumuhay. Unahin ang mas mahalagang bagay. Patatagin ang kakayahan natin na humarap sa mga krisis ng hinaharap. Matuto tayo at itama ang maling gawi at pagkukulang.