Ilang bagong variant ng COVID-19 ang naitala sa iba’t ibang panig ng mundo maging sa ating bansa nitong nakaraang buwan. Kabilang dito ang variant mula sa United Kingdom. Dahil dito, maraming gobyerno ang nagpatupad ng bagong travel restrictions at mas lalong pinaigting ang health protocols.

Bagong variant ng Covid-19

Sinasabi na mas mabilis kumapit sa tao ang bagong variant na ito. Nitong Enero lang ay naitala na sa Pilipinas ang unang kaso ng UK COVID-19 variant. Sa kabuuan mahigit kumulang 100 na ang kaso ng UK COVID-19 variant dito sa pinas, ayon sa lokal na pamahalaan.

Covid-19

Dahil nga sa mabilis itong kumalat ay marapat lang na gawin ng gobyerno ay mag conduct ng effective contract tracing, effective testing, effective isolation at travel restrictions. Ang apat na nabanggit ay ang pinaka-basic strategy or response for a country para ma-control ang spread ng virus na ito.

At tayong mga mamamayan naman ay mas mainam na gawin ngayon ay ibalik ang dating antas ng pag iingat lalo na noong nag uumpisa pa lang kumalat ang virus. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. Laging magsusuot ng facemask at face shield kung lalabas.

Covid-19

kung wala namang importanteng gagawin sa labas ay mas mabuting manatili na lang sa loob ng bahay. Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati ng karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa ibang tao.

Magtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

Huwag matigas ang ulo, sumunod sa mga inilatag na health protocols ng lokal na pamahalaan. Pasasaan ba ay matatapos din ang pandemyang ito.”

“Let’s do our part to prevent the spread..”