Ngayong napakainit na naman ng panahon, napakaraming sakit ang dumadapo sa mga tao. Isa sa kinatatakutan ng mga tao ay ang pagtaas ng kanilang Cholesterol o Kolesterol. Kaya mga Ka-Pinoy Vibes dapat kang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Cholesterol Meaning, Kinds of Cholesterol, at Cholesterol Symptoms.

Ano ba ang Cholesterol o Kolesterol?

Wikipedia

Ang cholesterol ay isang uri ng lipid na natural na ginagawa ng ating atay. Ito ay responsable sa pagbuo ng cell membrane, hormones at Vitamin D. Gumagawa din ang atay ng lipoporotein upang matulungan ang paghatid nito.

Ang lipoprotein  ay ang siyang gumagawa ng taba at protina. Nagdadala sila ng kolesterol at trigylcerides (ibang uri ng lipid) sa pamamagitan ng daluyan ng dugo. Ang dalawang pangunahing anyo ng lipoprotein ay ang Low-density lipoprotein (LDL) at High-density Lipoprotein (HDL)

LDL kolesterol, o “masamang kolesterolā€

Wikipedia

Ito ay tinatawag na “bad kolesterol” na kung saan ito ang nagdadala ng kolesterol sa mga ugat. Kung ang antas ng kolesterol na LDL ay matas, maaari itong makabuo ng harang o dingding sa mga ugat. Ito ang magpapaliit sadaluyan ng dugo na maaaring magresulta ng blood clot at pwedeng magdulot ng atake sa puso o stroke.

High-density lipoproteinĀ (HDL) kolesterol, o “magandang kolesterol”

Ito ang tumutulong upang maibalik ang LDL sa atay at matanggaliyo sa katawan. Nakakatulong ito upang hindi magbuo-buo ang kolesterol sa paligid ng ugat at maiwasan ang peligro sa pamumuo ng dugo, sakit sa puso at stroke.

Triglycerides, isang iba’t ibang uri ng lipid

Ang triglyceride naman ay isang uri ng fats o lipid compound na makikita sa puso at ginagamit ito ng katawan upang makagawa ng enerhiya.

Mga sintomas ng mataas na kolesterol

Wala talagang sintomas ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng kolesterol. Nalalaman lang ng tao na mayroon silang mataas na kolesterol kapag sila ay nagkaroon na ng seryosong komplikasyon, tulad ng atake sa puso o stroke.

Ito ang rason kung bakit dapat magkaroon ng regular na pagsusuri ng kolesterol kung ikaw ay may edad na 20 taon pataas.

Mga sanhi ng mataas na kolesterol

Isa ang pagkain ng masyadong mataas sa kolesterol, puro taba at trans fat na pagkain sa nakadadagdag sa panganib na magkaroon ng mataas na kolesterol. Nakakaambag rin sa dahilan ang kawalan ng aktibidad at paninigarilyo..

Kasama rin ang genetic sa nakakaapekto na kung saan naipapasa mula sa magulang hanggang sa mga anak.

Narito pa ang mga dahilan na nakapagbibigay ng peligro para sa mataas na kolesterol

- sobrang timbang o napakatab
- kumain ng hindi malusog na diyeta
- huwag regular na mag-ehersisyo
- naninigarilyo ng mga produktong tabako
- mayroong isang kasaysayan ng pamilya ng mataas na kolesterol
- mayroong diabetes, sakit sa bato, o hypothyroidism

Mga komplikasyon ng mataas na kolesterol

Wikipedia

Ang atherosclerosis ay isang seryosong kondisyon. Maaari nitong limitahan ang daloy ng dugo sa pamamagitan ng iyong mga ugat. Tinataasan din nito ang iyong panganib na magkaroon ng nakakatakot na pamumuo ng dugo.

Ang atherosclerosis ay maaaring magresulta sa maraming mga komplikasyon tulad ng stroke , atake sa puso – angina (sakit sa dibdib) , mataas na presyon ng dugo – pati na sakit sa bato.

Maiiwasan ang mataas na kolesterol sa pamamagitan ng:

Freepik
  • Pagkain ng masustansiyang diyeta
  • iwasan ang paginom ng alak
  • magbawas ng timbang
  • Regular na pagehersisyo
  • Huwag manigarilyo
  • Regular na pagsusuri ng kolesterol
  • Kumain ng pagkaing mataas sa fiber
  • Kumain ng pagkaing mataas sa fats gaya ng olive oil, abukado, at mani
  • Bawasan ang pagkain ng mataas sa fats gaya ng keso, matabang pulang karne

Bagay na Hindi Mo Alam Tungkol sa Cholesterol o Kolesterol

Freepik

1. Nakatutulong ito sa paggawa ng mga sex hormone.

2. Ito ay isang harang sa mga tisyu ng tao.

3. Tumutulong ito sa paggawa ng apdo sa atay.

Tandaan: Ang labis na kolesterol ay isang bagay na hindi maganda.

Ika nga ng kasabihan, MASARAP ANG BAWAL,pero mas masarap sa pakiramdam kung hindi ka kakaba-kaba na magkaroon ng karamdaman.