Marami sa mga kababaihan ang naghahanap ng tama at epektibong produkto para sa mga problema nila sa balat gaya na lamang ng tigyawat, pagbakbak at dry na balat sa mukha at minsan sa kadahilang nais nilang magpaputi. Ngunit mga kapinoy vibes, meron ba kayo ideya k  ung sino ang mga nasa likod o founder ng mga sikat na Rejuvinating Beauty Products sa pilipinas? Halina’t alamin natin.

PROFESSIONAL SKIN CARE FORMULA BY DR. ALVIN

Una sa ating listahan ang PROFESSIONAL SKIN CARE FORMULA o mas kilala sa “Dr. Alvin rejuvenating set” at ito ay nalikha ni Dr. Alvin Matulac. At naging isa sa Asia’s best-selling beauty formula sa pilipinas ang nasabing produkto.

Noong 1998 nagumpisa lamang si Dr. Alvin sa 20,000 pesos upang lumikha ng 300 bars na sabon na gawa sa papaya, , goat milk and oatmeal at kanyang ibinenta sa mga kaibigan. Hanggang sa kinalaunan ay nagbenta din ito sa mga kilala niyang dermatologist at doctor. At patuloy niyang inimprove ang ingridients ng kanyang kojic soap at ito ay kinahiligan ng mga pinoy dahil sa epektibo netong resulta sa pagpapaputi at pagpapatuyo ng tigyawat. At sa ngayon ay meron na itong sariling factory, ibat’ ibang uri ng sabon at nagumpisa na din ang distribution system. 

Image Source: http://verbandmanagement.net

THE DAILY SKIN CARE

Isang Filipino Youtuber naman ang naglabas ng kanyang skin line noong 2020 at marami ang tumangkilik sa rejuvenating product ni Shekainah Chen o kinilalang si “shek’s diary” sa kanyang youtube channel. Naging palaisipan sa mga netizen ang secreto neto sa kanyang makinis at maputing kutis hanggang sa inilabas niya ang kanyang sariling brand na “The Daily Skin Care – Skin Booster Set by shek’s diary” na siyang personal na ginagamit neto. At mapa sa hanggang nagyon maraming kababaihan ang patuloy na gumagamait sa naturang produkto ni Shekaina Chen.

Image source: https://twitter.com/shekitingsfam

SKIN MAGICAL

Nagumpisa sa 7000 pesos na capital si Ms. Ghie Pnagilinan, CEO at founder ng Skin Magical, sa pagbenta online ng rejuvenating set na may papaya soap, lotion at toner as introductory product. Ayon dito, ay habang ang kanyang asawa ay nagttrabaho bilang seaman, siya naman ang nagbbenta online ng sari saring produkto at nasabihan ng kanyang kaibigan na gumawa ng sarili niyang brand at kinalaunan ay naging successful ito.

Hanggang sa marami ang nakapansin na epektibo ang skin magical sa pag alis ng tikyawat at dark spots kaya walang katakataka na naging maingay sa online at market ang produkto. 

Samu’t sari rin ang natanggap na award ni Ms. Ghie gaya ng the Influencer of The Year at Most Influential Female CEO in the Field of Cosmetics and Skin Care trophy.

Mapa sa hanggang ngayon ibinibahagi pa rin ni Ms. Ghie ang kanyang success sa maraming tao lalo na ang entrepreneurial skills sa mga Pinoys na gusto rin maging successful sa kanilang business sa pamamagitan ng mentoring session sa “Go Negosyo” at malapit na rin itong maglabas ng kanyang libro sa ABS-CBN Books.

Image source: https://orangemagazine.ph/2020/skin-magical-ghie-pangilinan-makes-milestone-birthday-memorable/

briliant skin

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon nabuo ang Brilliant Skin Essential na ang founder at CEO ay si Ms. Glenda Victorio. Lumaki sa kanyang lola simula ng iwan ito  ng kanyang ina. Nagsimula sa pagbili ng items sa divisoria at kanyang ibinebenta online upang may pangtustos ng pangangailan at ito ay nagtrabaho bilang VA sa isang international company at sa kinalaunan ay natanggal umano ito dahil siya ay natuklasan na menordeedad. Sumasali din ito sa beauty pageants at unfortunately ay hindi nauuwi ang korona.

Naging inspirasyon ito ni Gelnda upang huwag sumuko sa buhay at maging aral ang mga negatibong nangyari sa kanyang buhay. Kaya naman, ditto na siya nagsimulang magbenta ng beauty products online at dahil yun ang kanyang ginagamit bilang pangtaggal ng acne sa kanyang mukha. Naging maganda ang resulta at dahil epektibo ito ibinahagi na din niya ito sa kanyang mga customers at introduce ang Brilliant Skin.

Noong 2016, tinagurian siyang one of our country’s youngest CEOs. Gawad Award Amerika sa Hollywood ay tinagurian siyang Youngest Filipino CEO in the Field of Cosmetics and Skin Care in 2018.

Image source: https://twitter.com/iammissglenda/status/1369573409705783296

beautederm

Huli sa ating listahan ay si Rhea Tan na founder at CEO ng Beautederm. Ito ay local skin care and beauty brand from Pampanga simula noong 2009. Noong umpisa ay isa lamang itong libangan na kinalaunan ay ginawa na din niyang business. Sinumulan din niya ito bilang kanyang sideline na nagyon ay may 60 branches na sa pilipinas at marami na ang naging distributor nito. Maging ang mga sikat na artista ay endorser at personal user na rin ng brand na ito gaya na lamang nina Carlo Aquino, Silvia Sanchez, Bea Alonzo at marami pang artista. Isa si Rhea Tan sa mga naging inspirasyon ng mga taong gusto magsimula ng beauty business nila.

Image source: https://conandaily.com/2018/10/25/marian-rivera-dantes-is-beautederm-homes-first-reverie-celebrity-endorser/rhea-anicoche-tan-2/

“Asians look younger than their age, yet Filipinos look even younger nowadays.”

Ayun na nga mga kapinoy Vibes, sila sila ang mga CEO at founder ng mga sikat na rejuvenating products sa pilipinas. Maging inspirasyon ito sa atin na kapag may dedikasyon tayo sa ginagawa natin, maabot natin an gating mga panagarap. Ano man ang hirap at sakuna na ating pagdaanan hindi ito magiging hadlang para hindi ipagpatuloy ang takbo at laban ng buhay.