Bakit nga ba hinangaan ng mga netizen ang isang Briton na naipalabas sa social media? Sa ulat, magbabahagi lang naman siya ng kanyang milyones sa isa nating kababayan na matagal na niyang hindi nakikita. Nakakabilib diba?

Sa panayam na ginawa ng isang programa, isang Briton na may sakit na prostate cancer ang nais na makitang muli ang kanyang kaibigang Pinoy.

Hindi lamang iyon mga Ka Pinoy Vibes, nais ng Briton na pamanahan ng bahagi ng kaniyang kayamanan ang pinoy na kaibigan. Ano kaya ang dahilan at ganito na lamang ang pagnanais na bigyan siya ng pamana ng kaibigang Briton na ito?

Nakilala ang briton na si Verne Mclean na naninirahan sa Birmingham, England. Tinatayang umaabot sa P33 na milyon ang kayamanan niya.

BRITON
Photo Credit: kmjs

Sa panayam sinabi nitong nais niyang ibahagi ang 10 poryento ng kaniyang yaman sa kaibigang Pinoy na kinilalang si “Mar”.

“I’m quite well-off, but not a multi-millionaire but I’m all right. I’m comfortable,” aniya.

Ayon kay Mclean, nagkakilala sila ni Mar noong nagtatrabaho siya sa Libya noong taong 1979.
Si Mar naman ay nagtatrabaho sa isang restaurant, aniya magaling mag ingles si Mar at masayahing kasuap kaya naman nakapalagayan niya ito ng loob.

“His personality shone. He was a wise boy,” sabi niya.

”Absolutely brilliant. Always smiling, always joking. When you went in the house he was a certain life and soul to the party.”

Dagdag pa niya, pareho silang galing sa hirap kaya naman alam na alam niya ang mga pinagdaanan nito. Nawalan siya ng kontak kay Mar ng itoy umuwi na ng Pinas.

Sinulatan pa siya ni Mar noong 1984 at inimbita na pumunta sa bansa ngunit hindi sya nakapag tugon dito.

Mar wrote. I can’t write. He sent letters and he invited me over to Manila. I never responded. I’ve never written in my life. I mean, I couldn’t do anything. So I’ve got the letters. I’ve kept them to this day,

2018 nang malaman niya ang nakalulungkot na balitang siya ay may prostate cancer at agad niyang naisip kung sino ang dapat niyang bahagian ng kaniyang kayamanan at naisip niya si Mar,

“We talked more about it last year of contacting Mar ’cause I thought, maybe, he’s still there in Manila.’ He’s always resonated in my thoughts. I want to know how he is. He may have gone. He might be a multi-millionaire, but we don’t know, do we? But I really would like to track him and find out. If I can catch him face-to-face and we can keep in touch. It would really be a blessing,” aniya.

Lubos na umaasa si Mclean na darating ang araw at magkikita din sila ng kaniyang kaibigan.