Marahil, kilala mo si Bob Ong. O kaya naman, narinig mo na ang pangalang ‘to. O kaya naman, nakabasa ka na ng kanyang mga libro. Lalo na kung isa kang kabataan noong 90s, tiyak na kilala mo siya. Si Bob Ong ay isang book author na naging kilala dahil sa una niyang akda, ABNKKBSNPLAKO, noong 2001. Naging patok ito sa mga Pilipino dahil sa nilalaman nitong sumasalamin sa pagiging estudyanteng Pilipino. Sinabayan pa ito ng mahusay at nakakaaliw niyang estilo sa pagsusulat.

Nasundan pa ito ng iba pang aklat:

2002 Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

2003 Ang Paboritong Libro ni Hudas

2003 Alamat ng Gubat

2005 Stainless Longganisa

2007 Macarthur

2009 Kapitan Sino

2010 Ang mga Kaibigan ni Mama Susan

2011 Lumayo Ka Nga Sa Akin

2014 Si

Dalawa sa kanyang mga akda ang ginawang pelikula ng Viva Films, ang ABNKKBSNPLko noong 2014 at Lumayo Ka Nga Sa Akin noong 2016 sa parehong direksyon ni Mark Meily.

Sino ba ang manunulat na si Bob Ong?

Shopee

Isa lamang pseudonym o pen name ang pangalang “Bob Ong.Hindi niya ito totoong pangalan. Ang tanging malalaman lang tungkol sa kanya ay isa siyang manunulat na taga Quezon City

Dating web developer at titser. Nakuha niya ang kanyang pseudonym sa kanyang website na “Bobong Pinoy.” Nabigyan ito ng parangal na, People’s Choice Philippine Web Award for Weird/Humor noong 1998. Nagdesisyon siyang magsulat matapos ang palitan ng mensahe nila ng publishing manager ng Visprint. Ikinagulat nila ang pagiging “hit” ng una nyang aklat sa buong Pilipinas. Sa isang interbyu sa kanya ng Philstar, ipinahayag niya na nais nyang manatili na “Bob Ong” at hindi kilala ang tunay nyang pagkatao. 

Hindi man natin nakilala ang tunay nyang pagkatao, mananatili si Bob Ong na isang mahusay na manunulat sa isip ng kanyang mambabasa. Dahil ang kanyang mga akda ay nakaugnay sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

“Filipinos patronize Bob Ong’s works because, while most of his books may have an element of comedy in them, this is presented in a manner that replicates Filipino culture and traditions. This is likely the reason why his first book and those that followed it can be considered true Pinoy classics.”

book review