Ating alalahanin ang dating pangulong Benigno “Pnoy” S. Aquino III. Namaalam siya sa edad na 61 nito lamang ika-24 ng Hunyo, taong 2021.

Inauguration of PRESIDENT BENIGNO "PNOY" AQUINO III
Wikipedia

Unang nanungkulan si BENIGNO “PNOY” AQUINO III bilang Congressman ng ikalawang distrito ng Tarlac. At naging senador ng Pilipinas mula 2007 hanggang 2010. Nanalo siya sa pagka-pangulo noong Hunyo 2010  Siya ang ikalabing limang Presidente bago si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang panunungkulan, pinangunahan niya ang programang “Daang matuwid”.

Bumuti ang ekonomiya ng bansa sa pag-anyaya sa mga investors na magtayo ng mga negosyo sa bansa. Dahil dito dumami ang mga trabaho para sa mga Pinoy. Tumaas ang ekonomiya ng 6.2 porsyento mula 2010 hanggang 2015, naka sunod ang ekonomiya natin noon sa Tsina.

Sa kanyang administrasyon din nakuha ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration ang jurisdiction sa  West Philippine Sea laban sa Tsina. Hindi man niya nakuha ang puso ng lahat ng Pilipino ngunit siguradong binigay niya at  nagtrabaho siya para sa interes ng mga Pilipino. Matapos ang kanyang termino, naging pribado na ang kanyang pamumuhay.Ngunit nito lamang Huwebes nang ibalita ang pagkamatay ni BENIGNO “PNOY” AQUINO III.

Ayon nga sa Political Affairs adviser ni PNoy na si Ronald Llamas ay “ 100lbs na lamang ito at sumasailalim sa dialysis ng tatlong beses kada lingo. Mababa ang kanyang timbang para sa kanyang tangkad at edad bilang lalaki.

Alam din ng lahat na si PNoy ay isang heavy smoker.

Sinabi rin na nagpapa-angioplasty si PNoy, mayroong diabetes, at mayroong lung cancer. Kinumpirma ng pamilya Aquino na Renal Disease dulot ng Diabetes ang kanyang ikinamatay.

“On behalf of our family, I am confirming that our brother, Benigno ‘Noynoy’ S. Aquino III, died peacefully in his sleep,” ayon kay Pinky Aquino-Abellada na kapatid ng dating pangulo, Huwebes.

“No words can express how broken our hearts are, and how long it would take for us to accept the reality that he is gone,” patuloy ni Pinky.

“Mission accomplished ka, Noy. Be happy now with dad and mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother. We will miss you forever, Noy.”

Pinky Aquino-Abellada