“Little things make a big difference”

Popular ngayon sa iba’t-ibang lugar ng Pilipinas ang Community Pantry na inulunsad ni Ana Patricia Non sa Maginhawa Street, Teachers Village sa Quezon City. Ito ay may samu’t-saring gulay, delata at iba pang klase ng pagkain na nilagay sa isang maliit na lamesa. Na siyang dinarayo ng mga mamamayan ng Maginhawa na kapos ngayon dahil sa pandemya.

Nagsulputan na rin ang iba pang Community pantry sa iba pang lugar sa Luzon, at umabot na rin ito sa Mindanao. May mga Community pantry din na para sa mga furrbabies na pinangunahan ng PAWS at isang pantry din na nagooffer ng mga libreng condom, napkin, diaper at HIV Testing, inilunsad naman ito ng Matatag Community pantry

Sumibol ang Community Pantry sa ideyang pagtulong sa taong bayan na nangangailangan at hindi dahil sa pagkukulang ng gobyernong tumugon. At ito ang ugaling nananalaytay sa ating mga Pilipino at nakatatak na sa ating kultura, ang “bayanihan”. Ang pagtulong sa ating kapwa sa panahon ng matinding kagipitan dala ng pagdedeklara muli ng Enhanced Community Quarantine.

Bukod dito ay tumatanggap rin sila ng mga donation upang mapagpatuloy ang gawaing ito, mula sa mga tao namang kahit papaano ay nakaluluwag naman sa buhay.

Sa kabila nito, may nag-viral sa  social media na kung saan may isang grupo ng mga kababaihan ang nagsimut sa iba’t ibang uri ng pagkain na nasa lamesa ng isang pantry sa Kapitolyo. Kaya’t nakakalungkot na may mga tao pa rin talagang lalabas na mapanlamang sa kabila ng pagtulong ng iba.

Bagamat maganda ang adhikain ay may ilang mataas na opisyal ang nag-red tag o nambabatikos sa pagtulong ni Ana Patricia Non at iba pang volunteer. Ngunit matapos ang isang araw na pagsara ng Community Pantry sa maginhawa ay muling binuksan ito. Tila nga mas mananaig talaga ang kabutihan.

Let us be a blessing to those who are in need!

“Whoever brings blessing will be enriched”

-Proverbs11:25