Sa buhay ng tao, mararanasan niya ang mainlove. Sabi nga nila nagiging mas makulay ang buhay kapag siya ay umiibig. Sa kabilang dako naman, sadyang may mga taong pinipili na lamang ang maging single sa buhay. Meron ding mga taong hindi makahanap ng Pag ibig.

Minsan, tinatawag silang Loveless o zero love life. Bakit nga ba minsan ay napakailap ng tadhana? Bakit  may taong hindi makahanap ng pag-ibig? Kahit na tila naging konektado ang marami dahil sa  social media, mas marami ngayon ang nakakaranas ng kalungkutan. Halos 50% ng mga nasa hustong gulang ang may problema sa paghahanap ng kapareha.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit may mga taong hindi mahanap ang kanilang pag-ibig:

Takot Masaktan

Isang dahilan bakit takot na siyang magmahal ay nasaktan na siya sa kanyang nakaraan. Nagkaroon na siya ng Trauma at ayaw na itong maulit pa.

Choosy o Mapili

Ito ang mga taong masyadong mapili  pagdating sa katangian ng iibigin. Tama lang naman ‘yon, hindi ba?

Laging may nakikitang mali o kapintasan sa iba

Lagi na lang siyang nakakakita ng red flags sa kanyang kapareha o sa kanyang napupusuan. Nagiging sanhi rin ito ng break up. Alalahanin natin na lahat tayo ay may kapintasan at nagkukulang.

Career over lovelife. 

Mas priority niya ang career kaya isinasantabi ang buhay-pag-ibig. Madalas na mangyari ito sa mga bread winner ng pamilya.

Takot magtiwala o may Trust Issues

Nagiging hadlang ito para hindi na sumubok magtiwala at magmahal na muli. Dulot ito ng mga nakaraan kung saan siya ay niloko o pinagsinungalingan. Maaaring sila rin ang mga taong pinabayaan ng kanilang naging karelasyon. Ayaw na tuloy niyang ibukas ang puso na magtiwala.

Sadya ngang mahiwaga ang mundo ng pag-ibig. Hindi mo alam kung kailan ito papasok sa iyong buhay. Hindi mo rin malalaman kung anong mangyayari sa inyong pagmamahalan. Kung isa ka sa mga nagsarado ng pintuan para sa pag-ibig, hiling namin ang iyong kagalingan at dumating ang totoong pag-ibig sa’yo!

Ano ang masasabi niyo dito mga ka Pinoy Vibes? Para sa iyong reaksyon, mag comment at maglike sa aming official Pinoy Vibes Facebook page.