Ika nga nila ang showbiz ay hindi permanente. Tulad na lamang ng naging karanasan ni Mura o Allan Padua sa tunay na buhay, na naging hit noon sa maraming mga manonood.

Siya ang naging ka tandem ni mahal at mas lalong nakilala noong naging bahagi sila ng isang noontime show sa Abs-cbn noong nakaraang dekada. Kabilang din si Mura sa ilang mga pelikula at proyekto sa telebisyon na tiyak isa sa nagpatawa sayo.

Hindi naging madali kay Mura ang pagkawala ng mga proyekto at dahil dito nagsimula ng maubos ang kanyang mga naipon lalo na noong siya ay naaksidente at nagdulot ng pinsala sa kanyang kalusugan. Ayon sa dating komedyante ay minabuti na lang niya na bumalik sa kanilang probinsya sa Albay, para mamuhay ng simple at tahimik.

Neto lamang nakaraan na araw ay naitinampok siya ng isang vlogger at content creator na si Virgelyncares at napag-alaman nga ang sitwasyon ng buhay ng dating komedyante. Sa ngayon, si Mura ay nagtitinda na lamang ng gulay at nagtatanim para sa kanilang hanapbuhay.

Naiwan sa kanyang napundar ang maliit na barong-barong at 3 hektarya na lupain na kanya pang nainvest noong siya ay nasa showbiz. Dito ay tinataniman niya ng samut saring gulay na siyang inilalako sa palengke.
Maraming netizen ang nagulat sa naging buhay ni Mura at naantig sa kanyang kalagayan.

Hindi rin pinalagpas ng kanyang katamdem na si Mahal na siya ay mabisita at bigyan ng tulong. Ayon dito, mahigit dalawang taon na raw sila hindi nagkikita at huling nagkasama noong nakaraang eleksyon pa.
Nagbigay din ng tulong ang content creator na si Mygz ng panimula sa nais maging business ni Mura. Marami pang tao na katulad nila ang nais mag-abot ng tulong sa dating komedyante.

Ilan lamang ito sa mga palabas na talagang nagpasaya sa mga manonood dahil kay Mura at katamdem neto na si Mahal.

Nais niyo rin ba makita muli si Mura sa telebisyon? Para sa marami pang kaalaman at balita mag subscribe lang sa aming official Youtube PinoyVibes account.