Ang Ivermectin ay gamot na inaprubahan ng FDA para sa taong may intestinal strongyloidiasis at onchocerciasis, ito ay kondisyon na dulot ng parasitikong bulati. Mayroon ding naaprubahan na Ivermectin bilang pang topical (balat), upang gamutin ang mga panlabas na parasitiko tulad ng kuto at iba pang kondisyon sa balat.

Alamin pa natin kung ano ang Ivermectin

May Ivermectin din na ginagamit sa mga hayop. Ito ay upang maiwasan ang kondisyon na heartworm at ilang panloob at sakit sa balat na parsitiko. Ang produktong ito ay ibang-iba kumpara sa gamot pang tao at hindi ligtas gamitin bilang para lang ito sa hayop.

Ivermectin

Ngunit sa Pilipinas, ang tanging rehistrado at binebenta pa lang na uri ay iyong para sa mga hayop.

Maraming maling impormasyon sa paligid, at maaaring narinig mo na okay na kumuha ng malalaking dosis ng ivermectin. Ngunit ito ay mali.

Dahil ayon sa Food and Drug Administration, DOH at WHO, wala pang pagaaral na nagaapruba sa Ivermectin bilang gamot sa COVID 19. Maging ang manufacturer ng naturang gamot ay nagbabala patungkol sa paggamit nito.

Ivermectin

Ang Ivermectin nga na aprubado na ay maaring magkaroon ng interaksyon sa iba pang gamot, tulad ng blood thinner. Maari ring magsanhi ng pagduwal, pagsusuka, pagtatae, hypotension, alerdyi (pangangati at pantal), pagkahilo, ataxia (problema sa balance), seizure, pagkawala ng malay at pagkamatay.

“If you’re going to dispense an antibiotic, you have to have a doctor to check and write a prescription and then that prescription goes to a compounding pharmacy and make that for the patient. And they explain to a patient that this is what this drug will do to you, these are the possible effects. If that patient accepts it, then that is the legal way of doing this. Iyung veterinary products, definitely hindi pwedeng ireseta sa tao,”

paliwanag ni FDA Director-General Domingo.

Ivermectin

Ngunit kamakailan lamang ay nag-anunsiyo si Anakalusugan Representative Mike Defensor na balak niya mamahagi ng libreng gamut na Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

“I’m getting it from a compounding laboratory, there is a prescription following the FDA guidelines and I am giving people access to that. I am not selling it. I’m giving it for free… We hope that this clinical trial that we’re doing will be also imitated, gamitin din sa ibang lugar,” sabi ni Defensor.

Ngunit nang tanungin kung sakaling magka-side effect ang Ivermectin sa tao, kung sino ang mananagot, ang sagot ni Rep. Defensor: “The point is before you’re allowed to take it, may consent ‘yung tao. May consent naman ‘yung tao diyan, it is an informed consent.”

Kung kaya’t hinihikayat ang publiko ng FDA, DOH, at WHO na huwag gumamit ng naturang gamot  lalo na’t hindi ito rehistrado bilang gamot sa COVID 19.

“Sa ganiyang mataas na dose, pwedeng magkaroon ng brain damage ang isang tao at puwedeng mamatay kung ma-overdose nang todo-todo,” ani Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health (DOH) technical advisory group.

“We are in this together – and we will get through this, together.”

Stay Safe.

Stay Healthy.

Stay Home.

Avoid Misinformation!