Nagtataka ka ba bakit mayroon kang mga nunal sa iba’t-ibang bahagi ng iyong katawan? Tara, alamin natin ang paniniwala ng Pinoy kung ano ang ibig sabihin ng mga nunal sa katawan! Swerte nga ba?

Ang nunal ay nabubuo kapag ang mga cell sa balat ay lumalaki sa isang kumpol ng pigmented cell, sa halip na kumalat sa buong balat. Ang cell ay tinatawag na melanocytes na siyang nagbibigay ng natural na kulay sa balat,ito ay karaniwang kulay kayumanggi o itim.

Karamihan sa mga nunal ay lumilitaw kapag ikaw ay bata pa lang o kung minsan ay hanggang 25 taong gulang. Normal sa isang tao ang magkaroon ng 10 hanggang 40 na nunal.

Mga Ibig Sabihin ng Nunal at mga Uri nito

Congenital Nevus

Wikipedia

Ito ay klase ng nunal na lumilitaw pagkapanganak. Kung minsan ito ay nabubuo sa pagiging melanoma (kanser)

Dysplastic Nevi

Health Grades

Ito ay mas malaki kaysa sa pambura ng lapis at hindi regular ang hugis nito. Hindi rin pantay ang kulay ng nunal na ito. Malaki ang tiyansa na maaari itong magresulta sa melanoma.

Paano Malalaman kung ang Isang nunal ay kanser?

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong katawan
Health Central

Karamihan sa mga nunal ay hindi mapanganib. Ito ay nagiging kanser kapag ito ay kakaiba kaysa sa iba pang mga nunal. Kung mapapansin ay nagbabago ito sa kulay, taas, laki, at hugis nito na siyang dahilan upang ikaw ay dapat magpasuri sa dermatologist para malaman kung ito ay kanser sa balat.

Paano Ginagamot ang Nunal?

Health Grades

Kung lumabas sa pagsuri ng biopsy, na ito ay kanser, ooperahin ng dermatologist ito at tatanggalin ang buong nunal o peklat mula sa pagbiopsy. Buong tatanggalin ang nunal at iba pang normal na balat na nakapaligid dito.

Pinaniniwalaan din na kung ikaw ay may nunal sa isa sa parte ng iyong katawan ayon sa mga mababanggit ay masasabing IKAW AY MASWERTE!

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong noo
Quora

NUNAL SA NOO. Kung ikaw ay may nunal sa kanang bahagi ng iyong noo, pinaniniwalaan na makakagawa ka ng maraming pera sa pagtanda at pagkakataon na makapaglakbay sa ibang bansa.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong kilay
Reddit

NUNAL SA BANDANG KILAY. Ang nunal sa pagitan ng kilay, ay malamang na kahulugan ng mabubuhay ka upang makita ang napakalawak na kayamanan at magandang kalusugan at ang iba ay magmamana ng magandang kapalaran matapos na magpakasal.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong eyelid
Animo

NUNAL SA IYONG EYELID. Ito ay nangangahulugan na ikaw ay yayaman at sisikat.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong dibdib
Motorcycle Babes / Anne Curtis

NUNAL SA MAY DIBDIB. Ang nunal sa iyong dibdib ay nagpapahiwatig na ikaw at patungo sa pagabot ng iyong pangarap sa buhay at kung paplanuhin mo ito ng Mabuti at magtatagumpay ka.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong labi
garvigujarati

NUNAL SA IYONG LABI. Ang nunal sa gilid ng itaas na bahagi ng iyong labi ay itinuturing na ikaw ay magiging matagumpay. Ngunit ang nunal sa ibabang bahagi ng labi ay nagpapahiwatig na ikaw ay may ugaling sugarol.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong balikat
fate click

NUNAL SA BALIKAT. Ang taong may nunal sa kanilang kanang balikat ay kilalang maayos mamahala sa kanilang pananalapi.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa iyong palad
amarujala

NUNAL SA KANANG PALAD. Ito ay tumuturo patungo sa isang talagang pagyaman at matagumpay na buhay.

IBIG SABIHIN NG NUNAL sa ibabaw ng labi
Freepik

NUNAL SA ITAAS O MALAPIT SA LABI. May posibilidad na tangkilikin ang isang mahusay na pagiipon sa banko.

Ano ka-Pinoy Vibes? Mayroon ka bang nunal sa mga parte na nabanggit ? Congrats ! Maswerte ka!