May mga nagsasabi na kapag hindi ka nag-aral ng mga makabagong teknolohiya, tiyak na mapag-iiwanan ka. Kung wala kang alam, hindi ka makakasabay. Pansin mo ba? Lalong bumibilis ang pagpasok ng mundo sa DIGITAL AGE. Halos lahat ay ginagawa na online- mula sa shopping, pagbabayad, pati na pagtatrabaho! At naging mainit na naman ang usapan tungkol sa Cryptocurrency. Bago ka mapag-iwanan, alamin mo na ang kung ano ang cryptocurrency!

Ano ang Cryptocurrency? 

Canva

Usapan na noon pa man ang mga cryptocurrencies gaya ng bitcoin. Ngunit hindi ito gaanong naiintindihan ng marami o kaya naman ay hindi sila interesado. Ano nga ba ito? Sa madaling salita, isang uri ng pananalapi ito. 

Pinaikling cryptography ang salitang “Crypto,” na ibig sabihin ay NAKATAGO, SIKRETO, o lihim. Ang ibig sabihin ng Crypto dito ay mayroong seguridad ang iyong pera o bawat transaksyon. Nagbibigay ang Cryptography ng seguridad sa lahat ng iyong komunikasyon. 

May “encryption” ito. Tanging ikaw lamang at ang iyong ka-transaksyon ang nakakaalam at nakakatanggap ng mga detalye ng inyong transaksyon. Sumusunod ito sa mga tuntunin na ikaw lamang at ang mga sangkot, at wala ng iba pa, ang makakagamit sa impormasyon.

Ang paggamit sa cryptography ay makikita kahit saan. Halimbawa, ginagamit natin ito para manatiling lihim ang ating mga passwords sa tuwing bumibili tayo online. Ang mga servers ng mga bangko o iba’t ibang website gaya ng Gmail ay nag-iingat o sinesave ang ‘yong passwords gamit ang cryptography.

“Pera” naman ang ibig sabihin ng currency. Kaya naman, isang virtual o digital na pera ang cryptocurrency.

Bago natin pag-usapan ang mga bagay bagay tungkol sa cryptocurrencies,  Unawain muna natin ang depinisyon ng pera. Upang magkaroon ng halaga ang pera, kinakailangang:

  1. Una, may sapat na dami ng tao ang meron nito.
  2. Tinatanggap ito ng mga mangangalakal o negosyante na pambayad.
  3. Pinagkakatiwalaan ng lipunan na ito ay may halaga at mananatiling mahalaga

Noong unang panahon, kapag pinagpalit mo ang iyong mga prutas sa manok, ang halaga nila ay ayon sa kung ano ang klase nila. Nang dumating ang mga barya, pera, at mga cards, nagbago ang halaga ng bawat isa. Isang dahilan ng ebolusyon ng pera ang kagustuhan ng tao sa mas madali at mas mabilis na transaksyon.

boycewire

Nagsimula ang tao noon sa mga pilak, ginto, o gold bars bilang pambayad sa pangangalakal. Masyadong mabigat at mabagal ang pagdadala nito sa iba’t-ibang lugar. Ito ang dahilan bakit pumasok ang FIAT CURRENCY o ang mga perang papel na ginagamit natin ngayon.

At dahil gusto pa ng mga tao ang mas madaling pamamaraan ng pagbabayad, nilikha ang mga credit cards at debit cards. Mas madaling dalhin ang mga cards lalo na kung malaking halaga ang laman kaysa sa perang papel. Ngunit kontrolado ng gobyerno ang iyong pera sa mga credit cards.

Dumarami na ang nawawalan ng tiwala sa gobyerno at nag-aalala sa kanilang pera.

Marami tayong problema sa sistema ng pananalapi gaya ng:

  1. Luma na o wala na sa panahon ang  mga credit cards at wire transfers.
  2. Kadalasan, malaki ang fees na binabawas ng mga middlemen gaya ng bangko o mga brokers, kaya nagiging mahal at mabagal ang bawat transaksyon.
  3. Lalong lumalaki ang hindi pagkakapantay-pantay sa aspetong pinansyal o Financial inequality sa buong mundo.
  4. Halos kalahati ng buong populasyon ng mundo ang hindi nakakagamit ng bangko at mga serbisyo nito.

May solusyon ang Cryptocurrencies sa mga problemang ito. Isang magandang alternatibo sa paghawak ng iyong pera ang Cryptocurrency. Bakit magandang alternatibo ito? Basahin dito bakit..