Sa nakaraan nating dalawang article tungkol sa Cryptocurrency, nabanggit doon ang mga bagay na dapat una mong maintindihan tungkol dito. Ngayon naman, pag-usapan natin ang pinakaunang klase ng cryptocurrency – ang bitcoin. Ano ang Bitcoin?

Siguradong narinig mo na ito? Hindi ito barya o nahahawakan na pera. Ito ay virtual money o digital asset. Ibig sabihin, nasa computers lamang.

Matapos ang malaking financial crisis noong 2008,  Tumaas ang demand o pangangailangan sa bagong sistema– ang digital payment. Ang bagong sistema ay kailangang decentralized upang hindi ito bumagsak o mabigo. At ang bitcoin ang solusyon na may ganitong sistema.

Ano ba ang Bitcoin?

Unang lumabas ang Bitcoin noong 2009. “BTC” ang simbolo na ginagamit para sa Bitcoin. Itinuturing ‘to na “mother of all cryptocurrencies” Inilathala ito sa whitepaper na may titulong “Bitcoin: A Peer-to-Peer Electronic Cash System” noong 2008

static.news

Isinulat ‘to sa ilalim ng pangalang “Satoshi Nakamoto” Walang nakakakilala kay Satoshi hanggang ngayon. Maaaring isang tao o isang grupo ang nasa likod ng Bitcoin.

Coin Geek

Isang dokumento na nakalagay sa puting papel ang whitepaper. Isa itong pamamaraan ng paglalatag ng solusyon sa isang problema na magpapabuti ng sistema. Solusyon sa problema sa sistema ng pera ang isinulat ni Satoshi sa Bitcoin whitepaper.

May labindalawang (12) bahagi o sections ang bitcoin whitepaper. Nakalagay sa mga section na ito kung paano gumagana ang Bitcoin.

Matapos lumabas ang Bitcoin, nagkaroon na rin ng iba’t-ibang klase ng Cryptocurrencies Mayroon ng mahigit sa 10,000 klase ng cryptocurrency ngayong Abril, 2021. Pero ang Bitcoin pa rin ang pinakamatatag at nananatiling nangunguna sa lahat.

May tatlong bagay na maaari kang gawin sa Bitcoin

Una, bilang payment method o paraan sa pagbabayad Dahil nga mas mura ito.

Pangalawa, ginagamit para sa mas mabilis na transaksyon. Mas mabilis dahil hindi na dumadaan sa bangko.

Pangatlo, bilang investment.

Ngunit paano gumagana ang Cryptocurrencies o bitcoin? Basahin dito.