Dahil sa pag mamahal ng isang matanda sa kaniyang kapaligiran pati na sa kaniyang kalugar, ay nagawa nitong tamnan at buhaying muli ang isang tuyot na bundok ng mag isa.

Minsan ng itinuring na nababaliw ang lolo na ito mga Ka Pinoy Vibes, paano ba naman magi isan niyang pinagsikapang ibalk ang ganda ng isang bundok. Bumuno siya ng 24 na taong pagsusumikap upanh muli itong mgakaroon ng mga puno at tubig. 

Ang tuyot na bundok ni Sadiman

Ang lolo na 69 na taong gulang na mula sa Indonesia, ay nagtrabaho ng walang humpay at nagtanim ng mga puno sa mga burol.

“I thought to myself, if I don’t plant banyan trees, this area would become dry,” ayon kay Sadiman.

“In my experience, banyan trees and ficus trees can store a lot of water.”

Ang mga 11,000 na punong kaniyang itinanim gaya ng Ficus at Banyan ay ikinalat niya sa 250 hektaryang lupain. Upang magkaroon ng katubigan at maiwasan ang mga pagguho ng lupa.

Tuyot na bundok
Photo Credit: Reuters

Sa laki ng pagsisikap ng lolo ay naibalik nga muli sa dating ganda ang bundok na ito. Ang mga tubig ay dumadaloy na sa mga kabahayan  upang  magamit sa irigasyon.

Kawalang suporta

Kahit noong una ay napapagkamalan pa siyang nawawala na sa kaniyang sarili, dahil hindi nga naman biro ang ang magtanim sa isang bundok ng mag isa lang.

“People ridiculed me for bringing banyan tree seeds to the village,”

because they felt uneasy as they believed there are spirits in these trees,” sabi ni Sadiman.

“In the past people thought he was crazy, but look at the result now,” sabi ni Warto na kanyang closure.

“He is able to provide clean water to meet the needs of the people in several villages.”

Nagkaroon ng malawakang sunog sa bundok noong 1960’s at kulang din sa ulan ang lugar kung saan sya nagtanim ng mga puno kaya naman ito naging tuyot ng matagal na panahon. Naging problema din ito ng mga magsasaka noon at kumonti ang kanilang inaani. 

Ngayon ay napapakinabangang muli ang bundok at nagkaroon narin ito ng 3 bukal ng tubig.

Tuyot na bundok
Photo Credit: Reuters

Sa huli, bagamat walang suportang nakuha sa kaniyang mga kalugar ay nais parin ni Lolo Sadiman na magkaroon ng masaganang pamumuhay ang mga ito.

“I hope the people here can have prosperous lives and live happily. And don’t burn the forest over and over again.” 

Nakamit din niya ang mga prestihyosong parangal sa Indonesia, bilang pagkilala sa kaniyang pagsusumikap na buhayin ang tuyot na bundok.