Marami ang tinamaan ng pandemya, hindi lang ang mga normal na mamamayan, pati na din ang mga artista. Isa na nga dito si Herlene Budol o mas kilala sa tawag na “Hipon Girl” ng Wowowin. 

Minahal siya ng kanyang mga fans at taga subaybay dahil sa kanyang nakakatawang personalidad at sa pagiging prangka mapa harap o likod ng kamera.

Binansagan siyang hipon dahil aniya tukso sa kanya iyon o laging binubully sapagkat kung ilalarawan ang hipon, itatapon ang ulo, ang ang katawan ang siyang kinakain. Si Herlene ay may taglay na kagandahan at ka sexyhan at kung sense of humor ang pag uusapan ay tiyak na 100% meron itong ipapamalas. 

Squammy ang bansag niya sa kanyang mga followers. Astig diba? 

Doon pa lang, makikita na sa kanya ang pagiging cool at jolly.

Naging maganda ang takbo ng kanyang karera sa showbiz, nagkaroon din siya ng mga endorsement at sumabak sa drama sa magpakailanman. Nagsimula sa pagiging kalahok sa Wowowin hanggang sa naging regular na host at sa di kalauna’y namayagpag ang kanyang career at kinagiliwan siya ng marami. 

Ngunit ang di alam ng karamihan, sa likod ng kanyang ngiti ay may dala-dalang problema sa kanyang buhay. Hindi nakaligtas si Herlene sa mga naapektuhan sa pandemiya. Nawala ito sa showbiz, natigil ang kanyang pagtatrabaho at halos nanapnap ang kanyang pinag-ipunan. Sa kanya din umano umaasa ang kanyang pamilya lalong lalo na ang kanyang lolo at lola. 

Kamakailan nga naging viral ang panayam ni Toni Gonzaga sa Toni Talks kay Herlene. Inilabas niya dito ang naging buhay niya noong pandemiya sa likod ng masayang mukha na pinapakita niya sa mga nakakasalamuha niya. Maraming netizens ang napaiyak dahil dito at naantig sa kanyang pinag dadaanan. Dahil dito nagbukas ang maraming tulong sa kanya, narito na nga ang pakikipag collab niya sa iba’t-ibang mga influencer gaya nalang ni Ryan Bang, Alex Gonzaga at iba pa.

Ngunit sa pagbalik niya sa social media, hindi rin ito nakaligtas sa usap-usapan na pagbubuntis umano nito at ang tatay ay ang sikat na host ng Wowowin na si Willie Revillame, agad naman itong sinagot ni Herlene sa pamamagitan ng pag post ng mga larawan niya na naka swimsuit at lutang na lutang nga dito ang  kanyang ka sexyhan at caption nya dito “Buntis daw ako haha’’ dahil dito natuldukan ang haka-haka o issue at kumpirmadong hindi ito buntis. 

At ang pinaka fresh nito lang nakaraang araw ang pag collab naman na ginawa sa kanya ng isang vlogger din na si Wilbert Tolentino. Sa video na ito nakatanggap si Harlene Budol ng 100.000 peso kay Wilbert bilang tulong sa kanya nito. Ngunit bago ito ibinigay sa kanya gumawa muna sila ng portion na parang mala-Wowowin ang datingan. 

Pinapili siya sa mga kaldero at ang isa dito ay naglalaman ng pera at ang iba ay bokya. Napili ni Harlene ang kaldero na bokya ang laman ngunit hindi niya alam na isa lamang itong prank at sa huli ay ibinigay sa kanya ni Wilbert ang pera. Saad ni Wilbert sa kanya, bokya man o pera ang kanyang pinili ibibigay talaga sa kanya ang pera bilang tulong na rin sa kanya. Tuwang tuwa si Harlene dahil dito. 

Halos bumagsak ang lahat, lalo na sa usaping pangkabuhayan. Para bagang tumigil ang mundo o ang pag ikot ng mundo. Ilan sa mga kababayan natin ang dumadaing sapagkat hindi lamang ang virus ang kalaban nila kundi ang gutom sapagkat natigil ang kanilang mga trabaho o ang pinagkukunan nila ng pang araw araw nilang gastusin.

Sadya nga naman sa buhay ng isang tao ay may mga unexpected na pangyayari ngunit tulad ni Herlene Budol patuloy siyang bumabangon at lumalaban para sa mga mahal niya sa buhay. 

Isa karin ba sa natuwa kay Harlene? Ano ang masasabi niyo dito mga Ka Pinoy Vibes?