Shoebox! sinong mag aakala mga Ka Pinoy Vibes, nang dahil sa isang regalong nakalagay sa “shoebox” ay magiging daan para makilala ng isang tao ang kaniyang partner in life!

Alam niyo ba ang Samaritan’s purse? Ito ay regalo mula sa amerika na ipinapadala sa mga batang walang kakayahang bumili ng kanilang mga laruan gaya dito sa Pinas. Ang mga regalo ay nakalagay sa isang shoebox.

Ang lovestory dahil sa shoebox!

Noong 2000, isang batang lalaki na 7 taong gulang na noon mula sa Midvale, Idaho ang tumutulong lang sa kaniyang mga magulang na magbalot ng Chirstmas shoebox para sa mga kabataan sa Pilipinas. Ang proyekto ay pinapatkabo ng Operation Christmas Child  sa pamamagitan ng Samaritans Purse. Naglalaman ito ng mga school supplies, toiletries at mga maliliit na laruan.

Sa bawat shoebox ay kinakailangang maglagay ng larawan ng nagbigay, kaya naman inilagay ni Ty ang kaniyang larawan na naka cowboy out fit.  “as part of the project, each shoebox-packer had to include a photo with their gift.”

Shoebox!
Photo Credit: Inquirer

At heto na mga Ka Pinoy Vibes dito na magsisimula ang ang hiwaga ng shoebox! 

Noong 2009, nakatanggap ng isang friend request si Ty na noon ay tinedyer na. Ang request na ito ay mula sa isang Filipina na nag ngangalang Joana Marchan.

Ngunit hindi niya kaagad ang tinaggap ang request ni Joana dahil hindi niya kilala ito. Noong 2011, ay nagapdala ulit si Joana ng friend request sa facebook!

Nag message si Ty kay Joana at tinanong siya kung paano sila nagkakilala. Natigilan si Ty ng sabihin ni Joana  na kilala sya nito dahil sa shoebox. Sinabi rin ng babae na nagpadala siya ng sulat pasasalamat maraming taon na ang nakakalipas. Ngunit tila hindi nakarating ang sulat kay Ty.

Ang dalawa ay nagsimula ng magusap sa Facebook noon at nagkapalagayan ng loob. Taong 2013, nagdesisyon si Ty na pumunta ng Pilipinas.

Ang pagkikta

Sabi ni Ty, nang makita niya si Joana ay iniisip niyang siya ay nanaginip lamang. “I was immediately attracted to her.”

Shoebox!
Photo Credit: Inquirer

Kahit na bumalik si Ty sa Idaho, nanatili parin ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng skype. Nobyembre 2013, bumalik si Ty sa Pilipinas at hiningi ang kamay ni Joana sa kanyang ama upang ito ay pakasalan. 

Noong 2014, si Ty at Joana ay lumipad patungong US at nagpakasal sa Farm na pagmamayari ng magulang ni Ty.