Ang dirty ice cream o sorbetes ay isa sa mga sikat na dessert na maipagmamalaki ng Pinas, di katulad ng ibang summer foods, ang dirty ice cream o sorbetes ay walang pinipiling panahon dahil araw araw inaabangan ito mapa bata man o matanda na dumaan sa ating mga kalye. Naiiba ito sa mga ice scream na nasa grocery o nabibili sa super market dahil ito ay nakalagay sa karitela na may makukulay na disenyo at nilalako nang mamang sorbetero

Ibat ibang flavor ng Sorbetes

Ngunit kahit na “dirty ice cream” man kung ito ay tawagin, malinis at paboritong-paborito pa rin ito nang lahat. Ito ay may sari-saring flavor gaya ng mangga, ube at keso ngunit mayroon na ding ibang flavors na patok ngayon sa panlasang pinoy gaya ng cookies’n cream, rockyroad, vanilla at chocolate flavors at marami pang iba.

sorbetes
PHOTO FROM iheartmanila

Samantala, kilala naman ang pandesal na pamares sa kape o sa mainit na tsokolate tuwing umaga o sa meryenda. Marami din ngayon ang sumisikat na ibat ibang flavor o bersyon pandesal gaya ng Ube pandesal, malunggay pandesal at iba pa. Nasanay din tayo na ang pandesal ay nilalagyan ng mantikilya,keso, peanut butter at iba pang mga palaman lalo na kapag ito ay mainit pa.  Ang pandesal ay isa din sa pagkaing kinahihiligan ng mga Pinoy mula noon hanggang ngayon lalong lalo na ng ating mga lolo at lola. 

sorbetes
PHOTO FROM Lutong Bahay Recipe

Habang ang dirty ice cream ay nakaugaliang nakalagay sa ice cream cone o di kaya ay sa maliliit na plastic cups at ganon din ang pandesal na ating nang nakasanayan na pamares lamang sa mainit na kape o di kaya ay tsokolate.

Sino ang mag aakala na papatok din sa panlasang pinoy ang Dirty Ice Cream sandwich? Ang dirty ice cream sandwich ay pag-kain ng dirty ice cream na pinalaman sa pandesal. Weird man ito o bago sa inyong pandinig pero kapag ito ay iyong natikman ay tiyak na uulit ulitin mo at magbabago ang iyong paningin sa tipikal na pandesal nang pinas

sorbetes
PHOTO FROM Steemit.com

Masarap ito at malinamnam at nakaka pawi din nang init ng panahon. Kaya kung hanap mo ay nakakabusog na meryenda at nakakapawi ng init na iyong nararamdaman ngayong summer, subukan no na itong Dirty Ice cream sandwich.