Si Atty. Art ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon. Mailalarawan din ang kanyang buhay na “rags to riches.” Bago niya marating ang tagumpay at ginhawa sa buhay, namulat din siya sa kahirapan. Narito ang istorya ng buhay niya.

Lumaki si Art Tugade sa tinatawag nyang ‘challenged area’

Ang pamilya ni Atty. Art ay mga informal settlers. 

Ayaw niyang tinatawag na “squatters area” ang kanilang lugar.

Ang kanyang mga magulang ay mga Ilokanong migrante sa lungsod.

Tumira sila sa Sampaloc at Tatalon, at ginugol niya ang maraming oras sa lansangan noong siya ay bata pa lamang.

Wala silang tubig na ginagamit sa kanilang bahay.

 at ang kanilang banyo ay nasa labas ng kanilang bahay o tinatawag na “outhouse.”.

Kaya naman para kay Art, isa ng kaginhawaan  ang pagkakaroon ng magandang kubeta o palikuran sa bahay.

Pinagpala siya ng katalinuhan

Hindi siya nag-aksaya ng sandali at ginugol ang panahon upang matuto.

Madalas na nasa library si Art dahil hindi niya kayang bumili ng sarili niyang mga law books.

Isang Pari ang nakakita ng potensyal sa batang Art.

Tinulungan niya ito upang maging iskolar sa San Beda. 

Hindi niya sinayang ang pagkakataon na ito. 

Nagtapos siya ng Magna Cum Laude sa Pilosopiya mula sa Unibersidad noong 1967,

Magna Cum Laude at Valedictorian naman sa law school noong 1971.

Matapos niyang makapasa sa bar exam noong 1972,

Nagtrabaho siya sa tanggapan ni Ambassador Antonio Delgado bilang executive assistant.

Nag-aral din siya sa isang programang Executive Education sa National University of Singapore noong 1985.

Mula sa pagiging executive assistant, naging pangulo siya ng Delgado Brothers Inc. 

Nanungkulan siya sa posisyon na ito sa loob ng siyam na taon. 

Matapos nito, nagtayo siya ng sariling kumpanya na ipinangalan sa yumao niyang anak na si Perry.

Siya ang naging inspirasyon ni Art at nakatulong upang lalo niyang sikapin na mapalaki ng maayos ang kanyang mga anak. 

Tinawag niya na ang sariling kumpanya na Perry’s Group of Companies noong 2003. 

Mayroon siyang malawak na kaalaman sa pananalapi – sa tamang pagpapatakbo at kontrol nito 

Malawak din ang nalalaman niya sa tamang pakikipagnegosasyon, pagpaplano,

Maging sa istraktura, diskarte sa pananalapi, at pamumuhunan dito.

Kaya naman karapat dapat siya na maging Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon

Itinalaga siya ni Pangulong Duterte noong Hunyo, 2016 sa posisyon. 

Maraming pinagdaanan sa buhay si Attorney Art na nagtulak sa kanya na magpursige sa buhay.

Isa na namang paalala sa atin ang buhay niya na hindi palaging mahirap ang buhay.

Huwag kang titigil na magpursige hanggang makamit mo ang iyong minimithi.