Baliktad, ganyang ang araw araw na nakikita ng isang bata sa lugar ng Davao Oriental. Dahil ang batang ito, ay naglalakad na gamit ang kanyang mga kamay at nakataas ang katawan. 

Ang batang ito ay si Ralph, ipinanganak siyang baluktot at nakatupi ang mga paa. Kahit na tila hirap, ay mas gusto ng bata ang istilo ng kanyang paglalakad. Aniya, mas mabilis siyang nakakalakad kapag ito ay naka baliktad.

Sa murang edad ay nakakaramdam ito ng lungkot at pagka inggit sa ibang bata. “Naiingit ako sa ibang bata, marunong tumakbo, marunong maglakad,”

“Lumalayo nalang ako kasi tinutukso nila ankong lumpo” umiiyak na sabi nito.

Sa edad na 10 ay kulang ang kanyang timbang, dahil hindi rin ito makakain ng maayos sapagkat kulang ang kaniyang pamilya sa pinansyal.

Baliktad
Photo Credit: KMJS Facebook

Nagpapahirap din sa kaniya ang paghawak sa mga bagay, pagkat ang kanyang kamay ay hindi rin normal. Ang isa niyang kamay ay 3 lamang ng daliri. 

Panunukso sa paaralan

Isa pang nakakalungkot ay hindi na nag aaral ang bata, aniya hindi niya matagalan ang mga panunukso sa kanya sa eskwelahan.

“Wala na akong gana mag eskwela, kasi tinutukso ako.”

Ayon sa ina, ipinanganak na niyang tupi ang mga paa ni Ralph. Nang lumalaki ito ay napansin na lamang nila, na ginagamit nito ang kanyang mga kamay sa pagalalakad. Kahit na kakaiba ang gawi nito, ay hinayaan nalang nila sa pagkat doon komportable ang bata.

Kahit na may kapansanan ang bata ay naasahan ito sa mga gawain. Sa katunayan ay nakatoka ito sa kanilang bukid na mag gapas ng mga damo.

Photo Credit: KMJS Facebook

Balik pangarap

Mabait at masunurin si Ralph at kahit na hindi na ito nag aaral ay patuloy parin itong nangangarap na darating ang araw na siya ay magiging abogado.

Nabanggit ng ina na minsan ay hiniling ni Ralph na dalhin siya sa doktor, na labis niyang ikinalungkot sapagkat kulang na kulang sila sa pananalapi.

Sa tulong ng programang KMJS ay nagkaroon ng pagkakataong maipaitingin siya sa doktor. 

Binigyan din ito ng scholarship bagay na nagpabalik ng pag-asa ng bata na mag aral muli.