Isa lamang ito sa maiinit na tanong na matapang na sinagot ni Andrea Torres sa kanyang guesting sa isang show sa GMA.

Kamaikailan lang ng kinompirma niya ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay na ngayon ay happily engaged na sa kapwa rin aktres na si Ellen Adarna, at tila ba napaka bilis lamang nang mga pangyayare. Handa na kaya si Andrea magmahal ulit? Basahin at alamin ang reaksyon ni Andrea sa mga kaganapang ito.

Andrea confirms relationship between Derek last September 2019

September 2019 ng kinompirma nga ng dalawa sa kanilang Pep interview na sila ay may relasyon ni. Masasabi din umano ni Derek na mabilisan ang pangyayare at may “instant connection” daw sa kanila ni Andrea. Dumating din daw sa point na pinakilala na nila ang isat isa sa kani-kanilang pamilya at masasabi din ni Andrea na sya ay “very happy” sa kanilang relasyon. Tumagal ang kanilang private relationship ng mahigit isang taon.

November 2020 Confirmed Break-UpKamaikailan lang ng umugong ang balita ng hiwalayang Andrea at Derek, Una itong kinompirma ni Derek at sunod na kinompirma ni Andrea noong November 2020. Pinahayag din nila na wala umanong Third Party involved sa kanilang hiwalayan.”I’ll find the right one” pahayag ni Derek at “Yes. Derek and I are no longer together,” sabi naman ng Aktres.

“HANDA KA NA BA MAG MAHAL ULIT?”Samantala inimbitahan naman si Andrea sa isang show sa GMA kung saan binato ang aktres ng maiinit na tanong at matapang naman niya itong sinagot nang naka ngiti. Isa sa mga tanong ay kung handa na daw ba ang aktres na mag mahal ulit at eto ang kanyang sagot “Hindi pa… Usually kasi pag ganito binibigyan ko talaga ng time ang sarili ko para maging mag isa” napa hanga namn ang mga hosts sa kanyang sagot at nakikita din umano nila sa mga mata ni Andrea ang ningning sa knyang mga mata habang sinagot ang mga tanong at nagpapahayag lamang daw ito na sincere at honest ang aktres sa kanyang mga kasagutan.

May pahabol din ang aktres sa kanyang naging sagot na ikinatuwa naman nang mga hosts “Para pag dumating yung next, All out na ulit” ito ang kanyang pahayag. Masasabi natin na hindi pa gaanong nag hihilom ang sugat sa puso ni Andrea at naway sa paglipas nang panahon at mahanap ulit niya ang “next one” na magbibigay kasiyahan sa kanyang puso nang higit pa sa kanyang kasiyahan sa nagdaang relasyon.

“Time heals” Ika nga nila,kung ano man ang inyong pinagdadaan naway sa paglipas nang panahon ay kasabay din ang paghilom ng mga sugat sa inyong puso. Kayo mga kaPinoy Vibes ano ang masasabi niyo dito?