Noong 2019, tinatayang 15 milyong Pilipino ang may high blood pressure o altapresyon. Halos 50% ng may edad na 60 pataas ay may altapresyon. At 25% naman ng taong lagpas edad 18 pataas ang may highblood rin.

Ano nga ba ang ALTAPRESYON O HIGH BLOOD PRESSURE?

Ang altrapresyon ay isang kondisyon kung saan ang systolic blood pressure (SBP) ay patuloy na mas mataas kaysa o kapantay ng 140mmHg, o ang diastolic blood pressure (DBP) ay patuloy na mas mataas kaysa o kapantay ng 90mmHg.

Kapag ang blood pressure niyo ay lampas sa 140 over 90, marahil ay may high blood ka na. At tiyak na taas ang iyong presyon kung ika’y pagod, nagalit o nagehersisyo ngunit hindi ibig sabihin nito ay high blood ka na, kaya dapat nakapahinga at walang ginagawa kapag ika’y magpapakuha ng presyon.

Ano ang sanhi ng ALTAPRESYON O HIGH BLOOD PRESSURE?

Mayroong dalawang sanhi o pinagmumulan ng altapresyon. Una, namana ito sa iyong magulang at pangalawa, nakuha ito sa maling pamumuhay gaya ng paninigarilyo, pagiging mataas o lampas sa timbang, pagkain ng sobrang maalat at matataba at marahil ay kulang sa ehersisyo.

Maari ring ang dahilan nito ay ang pagpupuyat, kulang sa tulog, lagging nagagalit, sobrang init ng panahon at sakit sa bato.

Ano ang sintomas ng Altapresyon?

Freepik

Karamihan sa mga pasyente ay walang mga sintomas at natutuklasan lang kondisyon na ito kapag nagpa check up o kapag nagkaroon ng mga komplikasyon. Maaaring maging sanhi ng mga sintomas tulad ng pagkahilo, panlalabo ng mata, sakit sa ulo, pamumula ng mukha at pagkapagod.

Mga Komplikasyon ng ALTAPRESYON O HIGH BLOOD PRESSURE

Freepik

Ang altapresyon ay hindi nagagamot o hindi nakokontrol at maaaring humantong sa sakit sa ugat ng puso, stroke, panghihina ng bato, panghihina ng puso at iba pa.

Wikipedia

Natural na Pamamahala sa ALTAPRESYON O HIGH BLOOD PRESSURE

  1. Magbawas ng timbang
  2. Umiwas o magbawas sa pagkain ng maaalat.
  3. Matulog ng 7 hanggang 8 oras.
  4. Huminto sa paninigarilyo.
  5. Iwasan ang paginom ng alak.
  6. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat lingo ng 30minuto hanggang 1 oras.
  7. Labanan ang paiba-ibang klima lalo na ang init ng panahon.
  8. Iwasan ang palaging nagagalit.
  9. Pamahalaan ang stress nang maayos at manatiling positibo.
  10. Obserbahan ang sariling presyon ng dugo.

Mabisang gamot sa ALTAPRESYON O HIGH BLOOD PRESSURE

Kinakailangan nang uminom ng maintenance na gamot kung talagang mataas na ang presyon at kung ito ay tinukoy na ng doctor. Narito ang ilan sa mga mabisang gamot sa altapresyon, ngunit doctor lamang ang makakapagsabi kung ano ang babagay s aiyo.

Amlodipine

Southstar Drugs

Losartan

Southstar Drugs

Nifedipine

Southstar Drugs

Clonidine

pharrmez

NARITO ANG MGA KATEGORYA NG PRESYON NG DUGO

Ang pagsuri ng sukat ng presyon ng dugo ay maaaring baguhin ng doctor ayon sa impormasyon tungkol sa nakaraang sukat ng presyon ng dugo.