Caregiver yan ang isa sa ating hinahanap kapag kailangan natin ng tulong sa pag aalaga. Pagdating sa ating mga kaanak na may sakit o diperensya natural lang na pipiliin natin ang pinaka magaling, yung mayroong experience at mapagkakatiwalaang caregiver.

Mahal man ang kanilang serbisyo basta nakasisiguro tayong naalagaan sila ng maayos ay ok lang.

Ngunit kung minsan kahit anong pagsusuri natin sa ibang tao, ay hindi parin natin sila kilala kapag wala tayo sa kanilang paligid. Dahil hindi natin alam kung paano sila gumawa pag hindi natin sila nakikita.

Sadyang may mga taong magaling mag tago ng kanilang totoong pagkatao. Kaya naman kinakailangan parin natin ng ibayong pag iingat. Dahil panigurado hindi natin gustong may masamang mangyari sa ating mga minamahal kung wala tayo sa kanilang paligid.

94 Y.O na may Alzheimer inabuso ng caregiver!

Gaya nalamang ng nangyari sa isang ginang na 94 taong gulang, na mula sa Buenos Aires at nagdurusa sa sakit na Alzheimer. Masakit man sa loob ng kaniyang anak na paalagaan siya sa ibang tao ay wala itong magagawa pagkat kailangan niyang mgahanap buhay.

Ipinagtataka ng kaniyang anak na tila laging malungkot ang kaniyang ina, kung minsan ay nakikita pa niya itong umiiyak sa hindi malamang dahilan.

Isang araw, napansin ng kaniyang anak na mukhang natakot ang inang may sakit nang dumating na ang tagapag alaga nito upang magsimula sa kaniyang trabaho.

Dito na niya naisipang mag set up ng mga camera sa kanilang apartment upang makita ang mga ginagawa nito.

caregiver
Photo Credit: readthefullstory

Ang resulta ay nakakabigla, sa video ay nakita ng anak na ang kaniyang ina ay inaabuso pala ng tagapag alaga at sinasaktan. At kung ito ay hindi sumusunod ay tina takot pang papatayin.

Ang anak at asawa ng ginang ay nag madaling tumawag ng pulisya upang iulat ang nangyari.

Ang caregiver naman ay naaresto na.

Ang matanda, kahit hindi makapag paliwanag ay kita ang saya. Tila nakawala ito sa isang malupit na tagapag alaga.