8 katao ang nasawi sa pamamaril na naganap sa Atlanta, Gerogia. Kabilang na dito ay 6 na asian. Ayon sa pulis, naganap ang pamamaril sa isang Massage parlor sa Acworth, sa Atlanta at 2 spa sa syudad.

Kinumpirma ng South Korea, na ang apat na nasawing biktima ay mga Koreana. Ang 21 taong gulang na lalaki ay naaresto at suspek sa naganap na pag atake.

Hindi pa nalalaman kung ano nga bang motibo ng lalaki sa pagatake, ngunit tinitignan din nila ang anggulo na maaring target dito ang mga asyano.

6 na asian
Photo Credits: BBC

Nasgsimula ang galit sa mga asyano noong mga nakaraang taon dahil sa paninisi sa pagakalat ng Covid-19.

Noong nakaraang Linggo ay kinundena ito ng Pangulo ng Estados Unidos nasi Joe Biden.

“vicious hate crimes against Asian-Americans who have been attacked, harassed, blamed and scapegoated.”

Ang naganap na pamamril sa 6 na asian

Ang pamamaril ay nagsimula bandang 5 ng hapon noong Martes, kung saan 4 na katao ang nasawi at sugatan naman ang iba sa Young’s Asian Massage sa Cherokee County north Atlanta, ayon kay Captain Jay Baker ng Cherokee County Sheriff’s Department.

2 asyano ang namatay at 2 puting lalaki at babae sabi ni Baker. Sugatan naman ang isang hispanic.

Nakatanggap naman ng tawag ang mga pulisya sa Atlanta makalipas lamang ang isang oras, na mayroon nagagaganp na nakawan sa Gold Spa beauty salon kung saan nakita nila ang 3 babaeng patay, sabi ni Chief Rodney Bryant.

Habang nagiimbestiga sa naunang insidente ay nakita naman nila ang isang babaeng patay rin sa isang Aroma therapy spa. Ang babae ay may tama rin ng baril, ani ni Byrant. Ang 4 na nasawi noon ay pawang mga asyano.

Asian virus or China virus

Nagbigay ng pakikiramay ang kalihim ng US na si Anthony Blinken ng bumisita ito sa South Korea noonh Miyerkules.

“We are horrified by this violence which has no place in America or anywhere,”

Ang karahasan na naganap sa 6 na asian ay kinundena ng Pangulong Biden sa kaniyang talumpati. Ayon naman sa Civil Rights, nakapag ambag ng poot sa mga asyano ang dating Pangulong Trump sa pamamagitan ng pagtukoy nito sa Coronavirus bilang “China Virus” o “China pest” dahil sa china umano nagmula ang virus.