Ipinagdiriwang ngayong taon ang sentenaryo ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas, opisyal na inanunsyo ito nung Linggo ng Pagkabuhay.

Christianity sa Pilipinas

Ang pananampalatayang Kristiyano ay dumating sa Pilipinas 500 taon na ang nakararaan. Nagsimula  ang lahat nang ang dakilang Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan ay dumating noong 1521 na siayng namuno sa isang ekspediyon ng Espanya na tinaguriang “East Indie”

Pinaniniwalaang sa panahong iyon, ang unang misa ay ipinagdiwang sa lupa ng Pilipinas noong Marso 31, 1521 sa isla ng Limasawa, timog ng Leyte. Halos 800 ang nabinyagan upang mabuo ang kauna-unahang katoliko.

Pinili ng simbahang Katoliko na pormal na pasinayaan ang buong taon na pagdiriwang ng ika-5 sentenaryo noong Linggo ng Pagkabuhay. Pinangunahan ni Archbishop Romulo Valles (pangulo Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagbubukas ng “Holy Doors” ng mga simabahan sa buong bansa.

Ang tema ng pagdiriwang ng Jubileo ay “Gifted to Give”.

Minarkahan ni Pope Francis ang 500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas gamit ang isang Banal na Misa sa St. Peter’s Basilica. At nagbigay din ng mensahe ang Santo Papa sa isang video.

Ang buhay sa Pilipinas ay mahirap ngunit ang pananampalataya ay tumutulong sa atin na maging malakas sa gitna ng mga bagyo ng buhay. Tiniyak na ang Panginoon ay kasama natin. Ito ang dahilan sa likod ng kagalakan n 500 taon ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas – Ang kagalakan ng pamumuhay sa Panginoon.