Inaasahan ng Tsina na makakatulong ang 3 CHILD POLICY sa problema nila sa kanilang populasyon. Sinabi ng Chinese government na pag-aaralan pa nila ang mga paraan paano muling palalaguin ang kanilang populasyon. Magbibigay ng suporta ang gobyerno gaya ng pinahabang maternity leave at childcare subsidies.

Financial Times

Ang mga paghihigpit sa pagpaplano ng pamilya ng Tsina ay itinakda noong 1980. Ipinatupad ang “isang anak” na patakaran o one child policy sa Tsina upang mapabagal ang paglaki ng populasyon. Ito rin ay para palakasin ang ekonomiya

Dahil dito sapilitan na ginagawa ng mga kababaihan ang magpalaglag ng kanilang mga anak sa sinapupunan. Ngunit dahil rin sa patakaran na ito, bumaba na ang mga ipinapanganak na Tsino. Binago ang one child policy sa dalawang anak noong 2015 ngunit hindi parin ito nakatulong sa bumababang birthrate.

aa

Dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang birth rate, inanunsyo ng gobyerno ng Tsina nitong May 31, 2021, na pinapayagan na nila na magkaroon ng hanggang sa tatlong anak ang mga mag-asawa, o ang 3 Child Policy sa bansa.

Unang inanunsyo ang bagong patakaran sa Xinhua, at sinabing epektibo kaagad ang patakaran na ito. Aprobado ng kanilang presidente na si Xi Jinping ang bagong polisiya nang pag-usapan ito sa Chinese Communist Party Politburo meeting. 

South China Morning Post

Inaasahan ng Tsina na makakatulong ito sa problema nila sa kanilang populasyon. Sinabi ng Chinese government na pag-aaralan pa nila ang mga paraan paano muling palalaguin ang kanilang populasyon. Magbibigay ng suporta ang gobyerno gaya ng pinahabang maternity leave at childcare subsidies.

South China Morning Post

Ngunit ayon sa mga pag-aaral, maaaring hindi ito magiging epektibo. Magiging mahirap hikayatin ang mga mag-asawa na magkaroon ng tatlong anak. Dahil ito sa hirap sa pagpapalaki ng anak.

Isang  online survey ang ginawa matapos ianunsyo ang patakaran na ito. At 90 porsyento ang nagsabi na ayaw na nilang magkaroon pa ng anak. Panoorin ang video sa baba: