Kalahok ang Pilipinas sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo.  Dapat ang Olympics ay naka-iskedyul noong Hulyo 24 hanggang Agosto 9, 2020. Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, inilipat ito ngayong 2021. Magpapadala ang Philippine Olympic Committee ng hindi bababa sa 15 atleta sa Tokyo Olympics na gaganapin sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2021.

Sa kasalukuyan, narito na ang pasok na mga atleta Sinu-sino sila? Narito at kilalanin ang mga kinatawan ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.

Ernest Obiena

Rappler

Ang unang atletang Pilipino na pasok para sa Tokyo Olympics ay si Ernest Obiena. Isa siyang SEA Games gold medalist sa larangan ng Pole Vault. Nalagpasan niya ang qualifying standards ng Salto Con L’asta  sa Italya. 5.81m ang kanyang personal best. Kasalukuyang nagsasanay sa ibang bansa si Ernest.

Carlos Yulo (Gymnastics)

Rappler

Si Carlos Yulo naman ang ikalawang atletang Pilipino na ipapadala sa Tokyo Olympics. Nanalo siya ng gintong medalya sa 2019 World Artistic Gymnastics Championships sa Germany. Siya ang kauna-unahang Southeast Asian Male World Champion sa kasaysayan ng Gymnastics..

Eumir Marical (Boksing)

PhilStar

Tubong Zamboanga ang boksingerong si Eumir Marical. Hindi siya pinalad nang lumahok siya sa 2016 Rio Olympics. Ngunit nakapasok ngayon sa 2020 Tokyo Olympics. Natalo niya ang kanyang kalaban sa Asia-Oceania Olympic Qualifying tournament na ginanap sa Amman Jordan noong Marso 2020. Ito ang dahilan ng kanyang kwalipikasyon. Tatlong beses siyang Gold Medalist sa SEA Games. Nakatakda siyang a lumahok sa Men’s Middleweight Class (75 kg) sa Hulyo.

Irish Magno (Boksing)

Abante

Katulad ni Eumir Marical, pasok siIrish  para sa Tokyo Olympics dahil sa kanyang nakamit sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament.  akatakda siyang lumaban sa Women’s Flyweight Class (52 kg).

Carlo Paalam (Boksing)

asbcnews

Pasok si Carlo Paalam sa 2020 Tokyo Olympics dahil sa “Virtue of their highest standing in their respective weight categories,” ayon sa International Olympic Committee Boxing Task Force. Isa ring Gold Medalist ang atleta sa 2019 SEA Games Siya ang lalahok sa men’s flyweight class (52 kg).

Nesthy Petecio (Boksing)

PhilStar

Si Nesthy Petecio ay sumali sa Tokyo Olympics sa parehong paraan tulad ni Carlo Paalam. Nanalo siya ng ginto sa 2019 SEA Games at nakatakdang lumahok sa women’s featherweight class (57 kg). Apat na ang Pilipinong boksingero na kumakatawan sa Pilipinas sa nalalapit na Olympics.

Hidilyn Diaz (Weightlifting)

Rappler

Siya ang pinakabagong atleta ng Pilipinas na nakakuha ng puwesto sa Tokyo 2020 Olympics. Dahil ito sa pagkapanalo ni Hidilyn noong Abril 18, 2021 sa Asian Weightlifting Championships sa Uzbekistan. Isa rin siyang Silver Medalist sa 2016 Rio Olympics. Ito na ang pang-apat na pagkakataon na sumali siya sa Olympics. Ilan pa sa kanila ay sina:

Cris Nievarez (rowing)

PhilStar

Kurt Barbosa (taekwondo)

ABS-CBN

Margielyn Didal (skateboard)

ABS CBN

Elreen Ando (weightlifting)

GMA news

Sa isang panayam ng ABS CBN sa Chef De Mission ng Pilipinas para sa Summer Games, na si Mariano “Nonong” Araneta, Sinabi nya na ang 15 ay mainam na bilang ng mga atletang ipapadala dahil 15 rin ang sports na sasalihan.

tempo

“There are 15 sports. These include rowing, canoe-kayak, archery, fencing, athletics, golf, karate, judo, triathlon, boxing, weightlifting (and) skateboarding,” said Araneta. “So 15 [athletes] is a good figure.”

Mariano “Nonong” Araneta